top of page

ABNER

Abner (2024)

Written & Directed by: Neal Tan


Si Abner ay isang teacher na hindi alam ang tamang spelling ng strength. Tapos lahat ng kanyang estudyante ay parang sasali sa Star Circle Quest. Pati principal ay hindi nagpa-awat sa aktingan.


Ang advocacy ng pelikula ay pahalagahan ang edukasyon, pero mas mukha siyang naging audition tape ng mga new talents ng Agape Entertainment Production.


Pagdating sa ending, lantaran na ang pag-plug sa lahat ng talents dahil may face card na lumabas sa bawat karakter. Pagandahan sila ng posing at smile dun with animated background pa.


Parating naka-ngiti yung ibang aktor kahit nag-aaway na. Kung hindi sila nonchalant umarte, nagiging OA sila. May potensyal sila sa pag-aartista, ngunit kailangan silang magabayan upang lumabas ang kanilang tunay na galing. Bigyan sana sila ng tamang proyekto. Unfortunately, this movie did them no good.


Lahat ng kanilang mensahe ay idinaan sa narration. Maganda sana ang kanilang sinasabi, pero hindi nila ito naipapakita nang maayos. Puro summary na lang ang nangyayari. Walang matinong eksena. Si Enzo Pineda at Rosanna Roces lang siguro ang matinong umarte rito. Nakakairita mag-vlog si Mygz Molino.


Mukhang PowerPoint yung editing. Yung musical scoring nila ay tunog gregorian chant. Hindi na kinulayan ang mga eksena.


Akala siguro nila maitatago nila ang kapangitan ng pelikula sa paglagay ng advocacy, pero hindi. Kung ipinalabas ito nang libre sa YouTube, baka mas katanggap-tanggap pa. Pero para gumastos ng 390 pesos sa movie ticket?? Abay imbyerna ang aabutin sa Abner.


𝗔𝗕𝗡𝗘𝗥

Rating: -1/5


Cast: Enzo Pineda, Rosanna Roces, Mygz Molino, Kiko Antonio, Jeff Francisco, Lucas Leonardo, Aika Pecenio, Christian Jay So, special participation of Alfonso Garcera as the Principal

Presented by: Agape Entertainment Production

Release Date: November 6, 2024 in 4 cinemas only

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page