top of page

AN KUAN

An Kuan (TMFF 2024)

Written & Directed by: Joyce Ramos


Kapag nanuod ka ng pelikula,

sa paanong paraan mo ito gustong maalala?


May mga shots dito na maayos at meron ding hindi. Hindi masyadong maganda ang pagkakakulay sa mga eksena. May mga isyu silang tinatapon tapos hindi na napagtutuunan ng pansin. Kulang sa sipa ang nagawa nilang ending.


Ngunit lahat ng kanilang mga kakulangan ay panandalian lamang nagtatagal. Paglabas mo ng sinehan, ang tanging maaalala mo ay kung paano ka nila napasaya mula umpisa hanggang dulo.


Hindi perpekto ang pelikula

pero masaya itong panuorin.

Dun pa lang, lamang na ang kuan.


This is a short film that will be remembered for the laughter it brings.


Nakakatuwa ang sagutan ng mag-ina. Ang cute ng chemistry nung magka-date. Ang kulit ng pagkakadirek. Natural ang pagpapatawa. Patok ang mga banat. Nakakadala silang lahat.


May ilang mabibigat na usapan na kanilang pinapagaan.

Hindi mo na rin alam kung dapat ba itong pagtawanan.


Kapag hindi mo maipaliwanag ang hirap ng buhay,

paano mo ba ito haharapin?


Basta An Kuan.

Tawanan mo na lang.


AN KUAN

Rating: 2/5


The Manila Film Festival 2024 has a total of 12 new short films—divided into 2 sets. This short film is part of the SET A films.


Cast: Louielyn Jabien, Jayvie Sanvictores, Zar Donato

Presented by: Kino Kwatro, TMFF 2024

Release Date: June 5-11, 2024 for The Manila Film Festival at Robinsons Manila and Robinsons Magnolia

A Movie Review Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page