Patok ang student theater play na ito para sa Goldwin Reviews. Hindi super ganda pero gripping siya. Interesting ang kwento. Hindi nakakainip panuorin. Makulit ang script. Tungkol sa death ng isang Goldfish.
Nakakatuwang pakinggan ang mga perspective nila kung bakit daw namatay ang Goldfish.
May Fish-iological problem kuno. Dahil daw sa detergent. Baka naubusan ng hininga. Marami pa silang kuro-kuro. Napaglaruan nila ang bigat at gaan ng kanilang sitwasyon.
May kanya-kanyang topak ang bawat karakter. Masarap panuorin kapag nagsasama-sama sila. Meron silang “chemistry”—literally and figuratively.

Bagay kay Anthony Peñaranda ang maging Professor. Hindi pwedeng hindi ka makinig sa kanya. May timbre ang kanyang boses na nanggigising ng natututulog na estudyante.
Maaliwalas ang tindig at presensya si Dave Palimo. Consistent ang taray mode ni Franchette Monteza. May pagkakataon na napataas ni Jeric Tan ang tensyon sa eksena.

Nakakaaliw panuorin ang Principal na si Erich Noreve Baldove. Hindi lang kilos niya ang agaw-pansin, pati mga pronunciation niya ay nakakatawa rin. It goes something like this: fowerpul siya!
Malinaw silang lahat magsalita. Mas magiging riot pa itong panuorin kung mas sharp ang movements, mas todo ang energy at mas plakado ang pagbitaw ng mga punchlines. Kulang din sa stage and costume design. Hindi masyadong nagamit ang lights and sounds. Hindi ganun kalakas ang dating ng ending.

Ang pinaka-charm ng dulang ito ay ang kanilang mga usapan tungkol sa Goldfish. Meron itong kakayahan na manlunod. Makakaahon ka lang kapag sinubukan mong unawain ang sentiment ng bawat isa.
It’s oras na para sa pumasok sa aquarium
at tingnan ang life mula sa mata ng iba.
𝘎𝘰𝘭𝘥𝘸𝘪𝘯 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘦𝘸𝘴 supports this Goldfish!
𝗛𝘂𝘀𝘁𝗶𝘀𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗼𝗹𝗱𝗳𝗶𝘀𝗵!
🫧𓆝 𓆟 𓆞 🪸𓆞 𓆝 𓆟🫧
Mapapanuod ang dulang “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal” sa De La Salle - College of Saint Benilde (Black Box Theater) mula March 24-29, 2025. Ang ticket price ay P250-300 at pwedeng bumili sa https://forms.gle/7qeywLxCWVLpyeNp7.
Visit Hala Theater for more details.

Commenti