top of page

ANG KAPITBAHAY

Ang Kapitbahay (Vivamax 2024)

Written & Directed by: Rodante Pajemna Jr.


Merong dalawang tao na nagsesex sa fire exit at sobrang ingay nila at naka-hubad pa all the way. Tapos bigla silang nagulantang nung nahuli sila.


Pausong eksena. Walang sinu man ang magtatangkang mag-ingay sa fire exit lalo na kung may ginagawang milagro.


Merong karakter na may pinagtataguan, pero sobrang wagas naman kung makipagkantutan sa rooftop. Parang wala silang mga kapitbahay.


Ang ingay ng pagbukas ng pinto tapos hindi man lang narinig. Nakatali ang kamay sa kama at hindi makatakas, tapos kaya naman pala niyang tanggalin mag-isa yung tali.


Mga simpleng bagay lang pero hindi pa nila magawa nang maayos. Nakakapanghina panuorin ang mga eksenang hindi naman makatotohanan. Maliban duon, hindi nakakalibog at hindi magandang tingnan ang mga kuha.


Walang buhay ang mga eksena para makaramdam ka ng kahit anong awa o takot para sa mga karakter. Ang panget kung paano ibinunyag ang mga sikreto. Ang lakas maka-animé ng boses ni Chester Grecia. Puro butas at katamlayan ang naibigay ng pelikula.


Hindi ka mapapa-kapit sa kapitbahay na ito.


𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Rating: 0/5


Cast: Christine Bermas, Clifford Pusing, Chester Grecia

Release Date: August 23, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  0

Screenplay:  -1

Technical:  0

Message:  0

AVERAGE SCORE:  -0.4

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page