top of page

BACKRIDER

Backrider (Vivamax 2024)

Directed by: Bobby Bonifacio Jr.


A woman, who was once a backrider,

finally becomes the driver of her own life.


Okay sana ang mensahe ng pelikulang ito

pero kinulang sa kwento.


Hindi mo alam kung anong nagustuhan ng bida dun sa jowa niya. Hindi sila mukhang nagmamahalan. Ginagamit at sinasaktan lang ang bida. Pati ang mga tao sa paligid niya ay ayaw sa kanya. Kinakawawa lang siya parati. Parang sinadyang isulat ang script para kaawaan lang ang bida.


May mga eksenang ramdam ang paghihirap ni Jenn Rosa dahil sa kanyang epektibong pagganap. Pero ang nipis ng pagkakasulat para sa kanyang karakter na tipong kahit siya ang bida rito ay hindi mo pa rin siya makikilala nang lubusan. Masahista siya pero tila ginamit lang ang trabahong ito para magkaroon ng langis at lagkit ang mga eksena. Kulang pa sa mga customer at extra service stories.


Hindi nakakatakot ang galit-galitan akting ni Chad Alviar. Napanindigan ni Aerol Carmelo ang pagiging batugan.


Bagamat maraming sinisimbulo, masyadong pilit ang pagkakagawa sa eksenang may literal na backrider tapos wala pang helmet si driver. Parang inilagay na lang ang eksenang yun dahil yun ang pamagat ng pelikula. Mas natural pa ang naging exposure para sa billiard table na ginawa nilang parausan.


Sa kabila ng lahat ng nangyari, ang pinaka-magandang nagawa ng pelikulang ito ay nabigyan ng pagkakataon ang bida na ipaglaban ang kanyang sarili. Malaking bagay na hindi siya tuluyang naging backrider.


đ—•đ—”đ—–đ—žđ—„đ—œđ——đ—˜đ—„

Rating: 1/5


Cast: Jenn Rosa, Aerol Carmelo, Chad Alviar, Jonica Lazo

Writer: Jai Shane Cañete

Headwriter: Maya Diaz

Release Date: August 13, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  0

Screenplay:  0.5

Technical:  2

Message:  0.5

AVERAGE SCORE:  0.8

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page