Balinsasayaw (Vivamax 2024)
Directed by: Rodante Pajemna Jr.
Akala mo campy, pero ang trashy pala.
Madalas magbatuhan ng hugot lines sina Apple Dy at Aiko Garcia, ngunit kinakapos sila sa acting skills. Imbes na madala ka sa bangayan nila, mas maiirita ka. Kung ano man ang nais nilang iparamdam ay hindi nila nagagawa. Naging katawa-tawa na lang sila.
Parating naghahanap ng ibang makakasex si Benz Sangalang. Ang kati kati ng karakter niya rito. Ang gusto lamang niya sa buhay ay makipagsex buong magdamag. Pati sa mismong araw ng kasal niya, hindi siya nakapagtimpi. Walang istoryang inilaan tungkol sa pag-uugali niyang ito.
Ang cheap ng mga kuha. Ampanget ng sound at ng dubbing. Basta-basta ang flow. Pinagpatong-patong lang ang mga eksena. Konting kembot lang tapos sex scene na ulit. Wala ka nang sinusundan na kwento.
Yung ibang karakter ay lumalabas lang kapag maghuhubaran na. Maraming binanggit na kung anu-anong klaseng trabaho, pero puro katawan lang naman ang kanilang tinatrabaho. Nakakaumay na sa sobrang dami at haba ng mga sex scenes.
Ang pinakamasahol sa lahat, ginamit na naman ang mga katawan ng babae para sa kalibugan at hindi para sa kwentuhan.
Nakakulong ang Vivamax sa hawla ng kabastusan. Nakatali sa mga kantutan na walang katuturan. Kailan ba nila magagamit ang sex sa magandang paraan?
Kailan ba sila tuluyang makakalaya at makakalipad?
BALINSASAYAW
Rating: -1/5
Cast: Apple Dy, Aiko Garcia, Benz Sangalang, Jonica Lazo, Aria Bench, Izza Watanabe, Mark Dionisio, JR Frias
Story by: Steve Sanchez, Rodante Pajemna Jr.
Writers: Steve Sanchez, Rodante Pajemna Jr., Matt Teves
Presented by: JPHLiX FIlms & Entertainment Ltd Co., Flash Fast Production
Release Date: May 17, 2024 on Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -1
Emotions: -1
Screenplay: -1
Technical: -1
Message: -1
AVERAGE SCORE
Balinsasayaw: -1
Comentários