top of page

BANJO

Banjo (Sinag Maynila 2024)

Written & Directed by: Bryan Wong


Si Banjo ang bida sa pelikulang ito. Dahil dito, hindi siya namamatay kahit andaming bala na ang sumalubong sa kanya.


Hindi makatotohanan ang mga eksena. Masyadong tanchado ang mga kilos nila kapag nag-aaway. Halatang nagbibilang at nag-iisip kung ano ang mga susunod nilang gagawin.


Hindi nakaka-enganyong panuorin ang mga labanan dahil ang hina ng mga kalaban. Natitigok sila kaagad. Wala kang takot o kabang mararamdaman dahil alam mo na agad kung sino ang mananalo.


Hindi maganda ang mga kuha. Biglang lumalabo ang kamera. Ang dugyot ng sounds. Ang abrupt ng editing. Nag-iiba ang mga kulay nila kahit nasa iisang eksena lang sila.


Pasulpot-sulpot ang iba’t ibang karakter. Hindi mo na alam kung sinu-sino sila. Lumabas lang yung iba para magpa-cute o para lang mamatay. Merong karakter na sa flashback na lang din lumabas. Walang relasyon na nabubuo rito dahil ampanget ng pagkakakwento. Ang chaka kung paano nila binubunyag ang mga sikreto.


Hindi lang action scenes ang kailangan aksyunan at ayusin sa palabas na ito. Napakaraming bagay pa. A glimpse of beauty seems to be banned from the film 𝘉𝘢𝘯𝘫𝘰.


𝗕𝗔𝗡𝗝𝗢

Rating: -1/5


Cast: Bryan Wong, Danilo Cutamora Jr., Missy Acodille, Ronelio Estillore, Ronron Makarunggala

Presented by: Blasmel Pictures, Spectra Wild Imagineering Corporation, Bordwerkz Production,  RDVideos

Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  -2

Screenplay:  -1

Technical:  -0.8

Message:  0

AVERAGE SCORE:  -0.96

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page