Bantay-Bahay (2024)
Written & Directed by: Jose Javier Reyes
Hindi nakakatakot.
Hindi nakakatawa.
Nakaka-insulto siyang panuorin.
Kulelat ang production design at ang make-up. Lahat ng dapat mong katakutan ay hindi naging nakakatakot. Ang ganda at ang pogi ng mga multo. Mukhang supermodel ang demonyo. Ang sosyal tingnan ng bahay.
Walang effort sa pagkwento. Paulit-ulit ang nangyayari at ang mga sinasabi. Sobrang umay. Puro patawa lang ang ginagawa. Dinaan na lang sa narration at animation ang mga importanteng detalye tungkol sa bahay.
Wala silang naibigay na magandang impormasyon tungkol sa content creation at live streaming. May gusto silang sabihin tungkol sa kasikatan, pero sa sobrang panget ng pagkakagawa, hindi na yun mahalaga. Ito’y naging isang cheap na version ng black mirror. Ang chaka to the max ng pagkakasulat at ng pagkakadirek.
Nakaka-insulto ang presensya ng pelikulang ito. Nakakapanlumo na ipinalabas ang ganitong klaseng palabas sa mga sinehan. Kailangan mo pa talagang magbayad ng 400 pesos para masaksihan ang ka-walang-hiyaan na ito.
Mahiya naman kayo sa pera at oras ng manunuod!
Wala bang taga-bantay kung ano ang dapat na ipalabas sa mga sinehan?
BANTAY-BAHAY
Rating: -2/5
Cast: Pepe Herrera, Casie Banks, Johannes Rissler, Melizza Jimenez, Karl Gabriel, Rolando Inocencio
Story by: Sketch Sabangan
Presented by: Regal Entertainment, Inc.
Release Date: May 1, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -2
Emotions: -2
Screenplay: -2
Technical: 0
Message: -2
AVERAGE SCORE
Bantay-Bahay: -1.6
bad