top of page

BLUE ROOM

Blue Room (Cinemalaya 2022)

Directed by: Ma-an Asuncion-Dagñalan


Isang banda ang dinala ng mga Pulis sa Blue Room upang imbestigahan.


Lahat sila ay pwedeng maging suspek. Sa simula, hindi mo alam kung kanino ka papanig. Sa bandang huli, maliliwanagan ka kung ano ang dapat mong ipaglaban.


Bawat eksena ay nakatulong upang maiparating nila ang kanilang mensahe. Hindi ka bibitaw sa mga nangyayari. Pataas nang pataas ang tensyon.


Walang tapon sa mga artista. Nakakatakot si Soliman Cruz. Nakakainis sina Bombi Plata at Jericho Arceo. May hugot at lalim ang mga sinasambit ni Nouri June. Ramdam mo ang pigil na inis ni Elijah Canlas. Maangas at may puso ang pagganap ni Harvey Bautista. Hindi bumitaw sa karakter si Keoni Jin. Pinaka-nakakagulat si Juan Karlos dahil sobrang natural ng kanyang pag-arte.


The transformation of the characters is seamless.

The insertion of Instagram snippets is well-timed.

The chemistry of the cast is raw and real.

The mood of the scoring is affecting.

The usage of songs is revolutionary.


Having a powerful plot, the film can either go all the way to the top or to the bottom. Expectations were high on this film. Still, it exceeded.


The film promised us the Blue Room.

It gave us the world to look at.


Mapa-kwarto man o mundo,

Ramdam mo ang kasikipan nito.

Ramdam mo ang kawalang-hiyaan dito.


Makalaya pa kaya tayo?


Bilog ang mundo.

Hindi kwadrado.


BLUE ROOM

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Juan Karlos, Harvey Bautista, Nouri June, Keoni Jin, Elijah Canlas, Bombi Plata, Jericho Arceo, Bon Andrew Lentejas, Ricardo Cepeda, Soliman Cruz

Date Released: August 7, 2022 on CCP; June 7, 2023 in Cinema 76; August 15, 2023 on Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page