Boss Ma’am (Vivamax 2024)
Directed By: Iar Arondaing
Si Jenn Rosa ang boss sa pelikulang ito. Ang description ng mga employee para sa kanya ay mataray, demonyita at reyna ng kasamaan. Ngunit lahat ng ito ay hindi mo makita sa kanyang akting. Hindi niya nagampanan nang maayos ang kanyang karakter.
Ang kink ng boss na ito ay maging slave pagdating sa sex. Ngunit dahil hindi siya magaling umarte, nawawala ang fantasy at irony na makitang inaalila ang isang boss. Naging normal sex scenes na lang siya.
May nakikipagtalik habang nasa online meeting. Ginawang pader ang xerox machine. Nag-iiba ang kulay ng ilaw. Naghubad dahil hindi gumagana ang aircon. Kahit sila ay nasa opisina, naging lantaran ang mga kantutan. Hindi ka matatakot na baka sila ay mahuli ng iba. Walang tensyon.
Si Vern Kaye ang employee na desperada maging boss. Mas may effort siyang umarte, pero hindi pa rin ito sapat para madala ka sa kanya. Madalas silang mag-away ni Jenn Rosa sa pelikulang ito.
Maganda sana ang mga banggaan ng dalawang bida—kung parehas silang palaban sa aktingan. May potensyal sana ang istorya. Pang-Vivamax ang script. Hindi siya boring panuorin. May dating ang kanilang naging ending.
Kung napandindigan lang sana ang pagiging amo at pagiging alila, baka maging pasado ang hatol para sa pelikulang ito. Pero dahil kapos sila sa aktingan, naka-apekto ito para hilain ang pelikula pababa. Dahil diyan, naging bagsak ang evaluation para kay Boss Ma’am.
𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗠𝗔’𝗔𝗠
Rating: 1/5
Cast: Jenn Rosa, Vern Kaye, Aerol Carmelo
Written by: Zane Mendoza
Presented by: FBN Media, Playtime
Release Date: November 26, 2024 on Vivamax (VMX)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1.5
Emotions: 1
Screenplay: 2
Technical: 0.6
Message: 0
AVERAGE SCORE: 1.02
Comments