top of page

BUTÁS

Butás (Vivamax 2024)

Written & Directed by: Dado Lumibao


Merong bagong boardmate na kakalapag lang ng bahay. Pagkapasok niya sa kwarto, pinilit niyang ipahawak ang kanyang dede sa kanyang babaeng roommate. Habang nasa hapagkainan, hinawakan niya ang titi ng lalaki gamit ang kanyang paa. Habang naglalakad, ninakawan niya ng halik ang isang taong may jowa na.


Sexual Harassment na ang kanyang ginagawa. Pero dahil ginusto rin daw ng kanyang kasamahan, hinayaan na lang ang nangyaring kabastusan.


Sapat na ba itong butas para makusot siya sa kanyang mga kasalanan?


Mahirap kapitan yung bidang karakter na ito dahil hanggang sa pinaka-dulo, hindi niya naiisip na mali ang kanyang ginagawa. Ang mga tao sa paligid niya ay binubuhusan na siya ng mga payo, ngunit hindi pa rin siya nagigising.


May saysay ang mga naging usapan sa pelikulang ito. Maririnig mo ang iba’t ibang pananaw ng mga karakter kung bakit sila malibog at nakikipagkantutan. Minsan, hindi mo na rin alam kung tama ba o mali ang kanilang pinagsasabi. Ngunit ang mahalaga ay alam mo kung saan sila nanggagaling. Dahil dito, nakikilala mo ang bawat karakter at ang kanilang mga motibo.


Nakakapanghinayang lang dahil pagkatapos ipakilala sa’yo ang mga karakter na ito, napunta sila sa isang ending na sobrang taliwas sa ipinakilala nilang mga personalidad.


Sobrang out of place ng huling mga eksena. Masyadong pinilit ang paggamit ng butas—para lang mapanindigan ang pamagat ng pelikula.


Maayos ang script sa simula hanggang gitna, pero hindi na ito naging natural pagdating sa dulo. Nadiktahan ang mga karakter at hindi sila nagkaroon ng kalayaan na makapag-isip para sa kanilang mga sarili.


Ang atake sa mga eksena ay parang teleserye. Ang cheesy ng scoring. Kunwari masaya sa unang mga sandali. Merong revelation sa gitna. Tapos pinilit gawan ng pasabog sa dulo. At katulad din ng isang teleserye, nakatutok ang pelikulang ito sa mga usapan, kaganapan, at sa aktingan ng mga aktor.


Angelica Hart acts with her heart—and it’s an effective weapon when dealing with emotional scenes. Angela Morena can get threatrical at times, but her faithful portrayal and dedication towards her character is definitely a winning asset. Albie Casino is comfortable in handling dramatic and sex scenes. JD Aguas had a few awkward moments with his performance. But overall, he is a reliable actor who’s capable of being sincere and serious when needed. Although not part of the lead casts, Mosang’s energy is felt throughout the film.


These actors are utilized well, making you forget that you’re actually watching a Vivamax movie. The conversations are the main focus of the film, and sex scenes are just occasional.


May mga butas pa rin ang pelikulang ito. Ngunit sa pambihirang pagkakataong ito, ang mga aktor at ang kanilang mga kantutan ay hindi naging sanhi para lumaki ang butas.


𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦

Rating: 2/5


Cast: Angela Morena, Angelica Hart, Albie Casiño, JD Aguas, Jonic Magno, Jana Divino, Ariel Gubalane, Liam Jalla, Mosang

Story by: Dado Lumibao

Presented by: JMJ Events & Productions

Release Date: August 30, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  2

Emotions:  3

Screenplay:  2

Technical:  3

Message:  1.5

AVERAGE SCORE:  2.3

0 comments

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page