top of page

CELESTINA: BURLESK DANCER

Celestina: Burlesk Dancer (2024)

Directed by: McArthur Alejandre


Ang Vivamax movie na ito ay palabas ngayon sa mga sinehan. Sulit bang matunghayan ang mga sex scenes sa big screen?


Kapag sa SM Cinema ka nanuod, madidismaya ka lang. Hanggang R-16 lang ang meron dun. Sobrang iksi ng mga lampungan. Natanggal ang mga hubaran. Halos hindi mo na makita ang hubad nilang mga katawan. Ma-mi-miss mo talaga ang kanilang body.


Available ang R-18 version sa Gateway, Fishermall, Robinsons at Gaisano. Sapat na ba yun para magbayad ka ng 390 pesos para sa movie ticket?


Hindi pa rin. Dahil pwede namang mapanuod ang ganyang klaseng mga sexy films sa Vivamax mobile app. 169 pesos ang online subscription vs 390 pesos na movie ticket. Mas malaya ka pang hawakan ang sarili mo sa kwarto vs sa sinehan.


Sina Yen Durano at Cristine Bermas ang mga aktres dito, pero mapapanuod mo rin naman sila sa mobile app.


Ang pelikulang ito ay walang ibinigay na bago para ma-engganyo ang kanilang 12M Vivamax subscribers na pumunta sa mga sinehan.


Ang panget ng takbo ng istorya. Walang ka-buhay-buhay ang pagkakagawa. Nagpapatayan na sila, pero ang boring pa rin panuorin. May putukan ng baril, pero walang putukan ng tamud. Ang peke umarte ng mga extra audience members.


Maganda si Yen Durano, pero hindi siya magaling umarte. Kitang kita sa big screen na kapos siya sa dramahan. Hindi ramdam ang kanyang pagiging nanay, asawa at dancer. Pang-sashay away ang kanyang naging lip sync performance.


Hindi nakakaakit at hindi nakakalibog ang choreography. Ang kakarampot ng kwento sa likod ng mga sayaw. Walang koneksyon ang mananayaw at manunuod. Hindi nabigyan ng hustisya ang pamagat nilang “Burlesk Dancer”.


Imbes na magising at tumaas ang libido, aantukin ka pa sa sinehan. Releasing a VMX movie on a big screen is just disappointing. No effort is felt and seen to make it worth watching.


𝗖𝗘𝗟𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔: 𝗕𝗨𝗥𝗟𝗘𝗦𝗞 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥

Rating: 0/5


Cast: Yen Durano, Cristine Bermas, Arron Villaflor, Sid Lucero

Written by: Ricky Lee & McArthur Alejandre

Presented by: VMX

Release Date: December 4, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  -1

Screenplay:  0

Technical:  0.4

Message:  0

AVERAGE SCORE:  -0.12

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page