top of page

CHANCES ARE, YOU AND I

Chances Are, You And I (2024)

Directed by: Catherine Camarillo


Chances are… you’ll get sleepy or bored with this movie.


Ang boring ng pagkakagawa. Ang patay ng mga eksena. Ang lungkot ng adventure. Kahit may aksidente o namamatay na, ang boring pa rin. Yung hospital ay nagmukhang shooting location.


Ang tamlay ng pagkakaedit. Panay fade ang transition effect. Walang gana ang scoring. Hindi maganda kung paano nila ginamit ang mga kanta.


Ang hilig nilang magpatugtog ng mahahabang kanta. Maganda sana yung naririnig mo, pero hindi ito bagay sa mga nakikita mo. Nag-mukhang lutang na music video ang ilang eksena. Hindi siya nakatulong para i-set ang mood ng pelikula.


Maganda sana ang ilan sa mga linya, pero minsan ay parang binabasa nila ito galing sa libro. Halatang quotable quote ang datingan. Hindi na lumalago ang mga usapan nila. Ang sakit ay ginamit lang para sa pagpapacute.


Disente umarte sina Kelvin Miranda at Kira Balinger, pero wala silang chemistry. Mag-bestfriends sina Jin Ho Bae at Kelvin Miranda rito, pero wala silang rapport.


For Goldwin Reviews, this movie is weak in all aspects. Other people may still like it though…

But what are the chances?


CHANCES ARE, YOU AND I

Rating: 0/5


Cast: Kelvin Miranda, Kira Balinger, Jin Ho Bae, Anne Feo, Tart Carlos, Gian Magdangal, Al Tantay

Story & Screenplay by: Ellis Catrina

Presented by: Regal Films, Pocket Films

Release Date: May 29, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  0

Screenplay:  1

Technical:  0.2

Message:  0


AVERAGE SCORE

CAYAI:  0.24

1 comment

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Jun 16

truee sa sobrang boring naka tulog ako, kelvin lang ang reason kaya ako nanood ...

Like
bottom of page