top of page

CO-LOVE

Co-Love (2025)

Directed by: Jill Singson Urdaneta


Laugh trip ang kanilang content.


Joketime ang plot. Hindi organic ang mga kaganapan. Parang trip trip lang nila paglaruan ang mga karakter. Confused ang direction. Hindi mo alam kung saan talaga papunta ang kwento.


Ang ironic dahil content creators daw sila, pero hindi swabe ang pagkaka-edit sa mga videos. Hindi kaaya-aya sa mata. Alanganin ang ilang kuha. Napuputol minsan ang pagmumukha nila. Ang sakit din sa tenga ng sound design.


Panay ang plug sa social media handles, pero hindi nila ma-handle nang maayos ang kanilang topic. Bato lang sila nang bato ng quotable lines, pero walang mga eksena para suportahan yun. Kinulang sila sa pag-shoot ng content.


Social media detox pero ang hilig pa rin mag-online. Miss daw nila ang isa’t isa, pero it doesn’t show. Dinadaan sa dada ang mga gusto nilang iparating na mensahe.


Ang bumuhat sa palabas na ito ay ang cast.

Ang kulit panuorin ni Alexa Ilacad. Hindi pilit ang kanyang mga hirit. Hindi rin siya nagpahuli pagdating sa dramahan. Nagagawa niyang magpatawa at magpaiyak nang sabay. Nakakabilib ang kanyang naipakita rito.


Nagdudulot ng tensyon ang mga aksyon ni KD Estrada. Ang ganda ng kanyang boses at ng kanyang kinanta rito (entitled “Di Ko Pinili” by Chie). Sana i-release na nila ito ASAP habang showing pa ang pelikula.


Nakakatawa ang pagiging OA ni Kira Balinger. Patok ang kanyang pag-iinarte. Kahit hindi magsalita si Jameson Blake, ramdam mo siya. Ang cute niyang magselos.


Derechahan ang mga tanong ni Tito Boy para sa mga karakter. Saktong sakto dahil yun din ang mga gusto mong malaman.


Kapag papakinggan mo lang sila, ang smooth ng mga pinagsasabi nila. Pero kapag pinanuod mo na, ang awkward at ang absurd ng mga nangyayari. Ang hirap seryosohin ng pelikulang ito. Nagiging katawa-katawa siya sa hindi magandang paraan.


Hindi successful ang naging collab.

It’s more like a prank!


𝗖𝗢-𝗟𝗢𝗩𝗘

Rating: 1/5


Cast: Alexa llacad, KD Estrada, Jameson Blake, Kira Balinger

Written by: Joni Mones Fontanos

Release Date: March 14-25, 2025 at Gateway for Puregold CinePanalo 2025

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page