DELA CRUZ, JUAN P. (Student Short Film 2025)
Written & Directed by: Sean Rafael Verdejo

Paano nga ba maging isang Juan
sa Pilipinas na puno ng katarantaduhan?
Simula pa lang, magaling nang manloko ang palabas na ito. Kakamustahin ka at akala mo ay may paki-elam sila sa’yo, ngunit iiwan ka pala sa ere. Isang malaking joke ang pagtrato sa empleyado. Pagtatawanan mo na lang.
Ang mga punchlines ay masaya at masakit pakinggan. Nanununtok ng katotohanan. Nanggigising ng kalooban.
Kahit gising ka na, wala ka pa ring magawa. Kahit hindi makatwiran, kailangan mo pa ring sumunod sa patakaran. Sobrang helpless at hopeless ng sitwasyon. Pagtatawanan mo na lang.
Benta bilang saleslady si Dada Garcia. May art ang acting ni Esteban Mara. Impactful ang mga posing ni Genie Guiang. Nasa pagmumukha ni Jasper John ang buhay ng isang Juan.
Riot ang kanilang chemistry. Napaghalo nang maayos ang kaguluhan. Nakakahilo ang proseso at sistema. Gets na gets ang pinagdaraanan nila. Pagtatawanan mo na lang.
Parati na lang ba natin pagtatawanan
ang nangyayari sa ating bayan?
From being resilient to being clowns, Juan doesn’t deserve to be treated this way. While exaggerated, the scenes mirror the essence of reality. This film serves as a resumé of the Philippines, where it can get surreal, ridiculous and heartbreaking.
Ang kadalasang pinagdaraan ng isang Juan ay matagumpay na nakuhanan ng pelikulang ito. Minsan, mas gugustuhin mo na lang maging manhid nang wala kang maramdaman. Wala kang oras para umiyak. Kailangang kumayod kahit pagod. Kailangang ngumiti kahit nahihirapan.
Smile, Juan—whether for an ID pic or for life’s trip.
Things can only get better from here.
𝗗𝗘𝗟𝗔 𝗖𝗥𝗨𝗭, 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗣.
Rating: 4/5
Cast: Jasper John, Dada Garcia, Esteban Mara, Misha Fabian, Mary Dela Vega, Danica Desoyo, Nel Estuya, Genie Guiang
Release Date: March 14-25, 2025 at Gateway for Puregold CinePanalo 2025 (under Shorts Set D)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentários