top of page

DONSELYA

Donselya (Vivamax 2024)

Directed by: Christopher Novabos


A rich man pays 10 million to a poor family in exchange of a virgin girl. Everyone willingly agreed to this deal. During the intercourse, this girl turns out to be lying because she’s not a virgin.


Nag-inarte yung babae at uuwi na raw siya. Dapat turuan ng leksyon ang babaeng ito dahil sinungaling siya at hindi siya marunong tumupad sa usapan. Masama rin ang ugali nung lalaki, kaya tama lang na magsama silang dalawa.


Nakaka-intriga ang mismong plot nila, pero hindi nakaka-excite kung paano siya ikwinento. Ang tamlay ng mga eksena. Hindi nakakagigil ang mga usapan. Nakaka-dismaya pa ang mga nangyayari.


Hindi maganda ang mga slow motion effects. Ang flow ng story ay bigla-biglang napuputol. Walang dating yung ending.


Seryoso ang pelikula sa kanilang paglalahad, pero hindi mo kayang seryosohin ang mga karakter. Mahirap kaawaan ang bida dahil masyado siyang entitled. Hindi rin nakakatakot ang kontrabida dahil hindi niya sinasagad ang pambabalahura.


Mukhang pera ang mga magulang, tapos kunwari nag-aalala sa kanilang anak. Ang daming extra characters na wala namang ambag sa pelikula kundi makipagsex. Maayos tignan ang mga sex scenes at ang mga pa-ilaw nila. Oks umarte sina Tanya Gomez, Allan Paule at Arnold Reyes.


Pwede sana maging 𝘎𝘰𝘯𝘦 𝘎𝘪𝘳𝘭 ala Vivamax ang pelikulang ito dahil sa plot nila. Pero ang simple ng pagkakagawa at ang safe ng pagkakasulat. Sayang dahil hindi masyadong nakalikot at napaglaruan itong 𝘋𝘰𝘯𝘴𝘦𝘭𝘺𝘢.


𝗗𝗢𝗡𝗦𝗘𝗟𝗬𝗔

Rating: 0/5


Cast: Dyessa Garcia, Arnold Reyes, Anthony Dabao, Allan Paule, Tanya Gomez, Vern Kaye, Chloe Jenna, Juan Calma

Story & Screenplay by: Byron Bryant

Presented by: White Space Digital Studios, Playtime

Release Date: October 29, 2024 on Vivamax (VMX)

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  0.5

Screenplay:  1

Technical:  0.2

Message:  0

AVERAGE SCORE:  0.34

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page