top of page

EAT BULAGA LENTEN SPECIAL 2024


Selda Ng Kahapon (EB Lenten Special 2024)

Directed by: Gino Santos


Pa-tweetums ang mga kaganapan sa bilangguan.

Panay chismisan, tuksuan, at lambingan.

Ang paghihirap ay masyadong pinapagaan.

Hanggang sa hindi na ito naging makatotohanan.


Walang samahan na nabubuo sa paggitan ng mga bilanggo. Nag-aaway ngayon, tapos kinabukasan ay bati na silang lahat.


Ang kaunti ng impormasyon tungkol sa kanilang kaso. Paulit-ulit lang ang nalalaman mo. Hindi nakakatulong sa kliyente ang mga suhestiyon ng lawyer. Hindi mo alam paano umuusad ang kaso. Ang hustisya ay napaka-bilis nakamtan.


Mukhang nursery ang kulungan. Ang linis ng selda. Ang puti ng sahig. Ang kinis ng dingding. Ang luwag sa luob. Ang bait ng mga pulis. May drawing activity at gift-giving pang nangyayari. Puro magaganda ang naipapakita.


Ang ilang artista ay parang nasa Starstruck acting challenge. Ang isyu ng bawat karakter ay hindi na napag-usapan pa. Dinaan na lang sa text at narration para matapos ang istorya.


This movie is guilty of too many crimes.

Nararapat lang na ibaon ito sa selda ng kahapon.


SELDA NG KAHAPON

Rating: 0/5


Cast: Paolo Ballesteros, James Blanco, Allan K, Wally Bayola, Joey de Leon, Carren Eistrup, Lance Aceron, Eunice Janine, Junrey Betota, Richard Fariñas

Written by: John Bedia

Presented by: TVJ Productions Inc, Unitel Straightshooters, Eat Bulaga

Release Date: March 25, 2024 on YouTube

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  0.5

Screenplay:  -1

Technical:  0

Message:  0.5


AVERAGE SCORE

Selda Ng Kahapon:  0


Love Thy Neighbor (EB Lenten Special 2024)

Directed by: Gino Santos


Balanse ang comedy at ang drama. Maayos umarte ang mga artista. Magaan ang kanilang naging samahan. Natural ang ilang usapan.


Seseryosohin mo si Jose Manalo pag nagagalit siya, at makikitawa ka rin pag nagpapatawa siya. Masayang panuorin ang kulitan nina Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon. Kahit saglit lang ipinakita si Tito Sotto, may ambag pa rin ang kanyang karakter sa istorya.


Kung paano nagsimula ang pelikulang ito ay sa ganung paraan din sila natapos. Naging tapat sila sa kanilang pamagat, at nangibabaw ang pakikipagkapwa-tao.


Owning up to your mistakes and actions was overshadowed by the 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘺 𝘯𝘦𝘪𝘨𝘩𝘣𝘰𝘳 virtue. Instead of sharing how to be responsible in life, the film is showing how to rely on others.


Social media was abused for the wrong reasons. Words are twisted to gain sympathy. A person’s face was put online without his consent. The lack of sincerity in apologizing for the damage done is just reckless.


Forgiveness comes too easily. Consequences are downplayed. Money problems are quickly solved. All because of love.


Is love really enough

to solve the problems of thy neighbors?


LOVE THY NEIGHBOR

Rating: 2/5


Cast: Tito Sotto, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Angie Castrence, Atak Araña, SQ Sam Rascal, SQ Jean Drilon, Kenjie San Pablo, Ejay Sanchez, Jero Bagaporo

Written by: Lilit Reyes

Presented by: TVJ Productions Inc, Unitel Straightshooters, Eat Bulaga

Release Date: March 26, 2024 on YouTube

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1.5

Emotions:  2.5

Screenplay:  1.5

Technical:  0.6

Message:  1.5


AVERAGE SCORE

Love Thy Neighbor:  1.52


Para ‘Di Makalimot (EB Lenten Special 2024)

Directed by: Randolph Longjas


Miles Ocampo gave an award-winning performance. Vic Sotto still got the knack for pure drama. Atasha Muhlach was convincing as a nurse and her accent complemented her character. Ryan Agoncillo and Ice Seguerra were underutilized. The participation of Tirso Cruz III was significant.


Dementia was given importance. Some information were shared for awareness. Care for patients was also shown.


May kanya-kanyang problema ang bawat karakter, at kadalasan ay natatapos ito kaagad. Kahit sobrang bigat ng kanilang dinadala, nawawala ito sa isang bagsakan lamang. Ang ilang taon na paghihirap ay natapos sa iisang eksena. Kulang pa sa mga usapan.


Hindi kapana-panabik ang daloy ng istorya. Ang tamlay ng pagkakakwento. Merong eksena na pinapahaba na lang para mas maging madrama. Ang aabangan mo lang dito ay ang pagganap ng mga artista—at mahusay ang iilan sa kanila. Sila ang nagbuhat ng pelikulang ito.


In years to come, this film would be forgotten.

But what will be remembered is that Eat Bulaga stars are not just good with hosting and entertaining, but also effective in drama.


PARA ‘DI MAKALIMOT

Rating: 2/5


Cast: Vic Sotto, Ryan Agoncillo, Miles Ocampo, Atasha Muhlach, Ice Seguerra, Tirso Cruz III

Written by: Tony Gregorio

Presented by: TVJ Productions Inc, Unitel Straightshooters, Eat Bulaga

Release Date: March 27, 2024 on YouTube

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0.5

Emotions:  3

Screenplay:  1

Technical:  0.5

Message:  2.5


AVERAGE SCORE

Para ‘Di Makalimot:  1.5

0 comments

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note
bottom of page