top of page

ECQ DIARY

ECQ Diary: Bawal Lumabas

(Cinemalaya 2021 Indie Nation)

Directed by: Arlyn dela Cruz


Dalawang magkapatid ang nagsama sa iisang bubong ngayong lockdown.


Gaano kalala ang mga pangyayari?


Wala pang isang minuto. Mapapailing ka na lang sa pinapanuod mo. Dahil parang naglapag lang sila ng kamera sa tabi. Tapos hinayaan na lang sina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez na magsalita buong magdamag.


Magaling silang umarte. Makatotohanan ang paraan ng kanilang pakikipag-usap. Pero matatabunan ito ng pagkawalang-bahala ng buong pelikula.


Hindi na nag-abala na pagandahin pa ang mga shots. Yung audio nila, minsan sabog at minsan sira. Yung scoring, basta na lang may mailapat na sound.


Kung anu-ano na lang din ang pinag-uusapan ng dalawang magkapatid. Lulubog-lilitaw ang mga paksa.


Walang malinaw na direksyon.

Walang maayos na istorya.


Sa mga usapan na nga lang sila pwedeng bumawi. Pero pati yun, hindi pa nila naisulat nang maayos.


Panay pasilip nila ng balita at kaganapan ukol sa ECQ, pero hindi nila ito ginamit para mas mapaganda ang takbo ng usapan at ng istorya.


May iilang leksyon silang ibinahagi tungkol sa buhay. Ngunit hindi naman ito tatatak sa’yo, dahil hindi ka naman nagkaroon ng pake sa mga karakter.


Manghihina ka sa pinapanuod mo.

Hindi dahil sa virus.


Kundi dahil sa istoryang ito na sana’y hindi na naipalabas.


ECQ DIARY: BAWAL LUMABAS

Rating: 0/5


Cast: Elizabeth Oropesa, Daria Ramirez

Presented by: Mavx Productions

Date Released: August 11, 2021 via www.KTX.ph (Cinemalaya runs from August 6 to September 5, 2021)

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page