top of page

ERASERHEADS: COMBO ON THE RUN

Eraserheads: Combo On The Run (2025)

Directed by: Maria Diane Ventura


Para sa isang documentary, kinulang ito sa pagpapakita ng footage. Hindi na-document nang maayos ang kanilang journey. Minsan ay hindi swak ang mga eksenang ipinapakita dun sa mga sagot na naririnig mo.


Dahil sa kawalan ng footage, nilalagyan na lang nila ng mahahabang text para ipaliwanag ang mga nangyayari. Hindi siya magandang tingnan. Paiba-iba ang font at ang effects na ginagamit. Hindi magaling ang pagkaka-edit. Hindi smooth ang transition. Hindi siya cohesive panuorin. Nawawala ang direksyon. Ang anti-climactic ng ending.


Naging mahabang interview portion na lang siya. Mahinhin ang ilang mga tanong. Generic ang ilang sagot. Hindi masyadong napag-uusapan ang mabibigat na isyu. Dinaanan lang ang karamihan sa mga kanta. May ilang paksa na mas maganda sanang kunin ang boses ng mas marami pang tao, ngunit limitado ang kanilang naibibigay. Kapos ito sa iba’t ibang pananaw at perspektibo.


Masyado silang umasa sa magic ng Eraserheads upang itaguyod ang documentary na ito.

Masarap panuorin ang banda na nagkwekwento. Magkakaiba ang personalidad. Malalaman mo ang kanilang vulnerabilities at realizations sa buhay. Malungkot kapag may mga problema sila. Masaya kapag nagkakasama sila. Nagdudulot ito ng matinding nostalgia.


Habang pinapatugog ang music videos at concert clips, mapapakanta ka. Kapag pinapakita ang random happy moments nila, mapapangiti ka.


Higit pa sa mga kanta at ala-ala, ang pinakamagandang naibahagi nito ay kung paano nila ginamit ang kanilang plataporma upang pagtibayin ang bansa.


Walang duda, makapangyarihan ang Eraserheads. Kahit hindi palaban ang pagkakagawa sa dokyung ito, nagmumukha siyang maganda.


Instead of lengthy static interview portions with overloaded texts, hope it can offer a better documentation + solid editing + cohesive direction next time. Looking forward to that kind of combo.


𝗘𝗥𝗔𝗦𝗘𝗥𝗛𝗘𝗔𝗗𝗦: 𝗖𝗢𝗠𝗕𝗢 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗨𝗡

Rating: 2/5


Cast: Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, Marcus Adoro

Written by: Maria Diane Ventura, Chuck Gutierrez, Aldus Santos

Presented by: DVent Pictures, WEU Productions, Warner Bros Pictures

Release Date: March 21-23, 2025 in Philippines cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
5 days ago
Rated 1 out of 5 stars.

I'm really don't care about the movie because there's no drama.


-10 / 5

Edited
Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page