top of page

FAMILY OF TWO

Family of Two (MMFF 2023)

Directed by: Nuel Naval


Nakasalalay sa dalawang bida kung madadala ka ba sa buong pelikula—at hindi ka nabigo na umasa ka sa kanila.


Nagampanan nilang maigi ang pagiging ina at anak. Maganda ang samahan na nabuo nina Sharon Cuneta at Alden Richards—at kitang kita mo yun habang pinapanuod ang pelikula.


Walang oras na hindi ka mapapabilib ni Sharon Cuneta. Binibigay niya ang lahat sa bawat eksena. Maaawa ka sa kanya pag umiiyak siya. Tatawa ka pag bumabanat siya. Dito sa pelikulang ito, paniguradong magiging proud ka para sa kanya.


Hindi bumitaw si Alden Richards sa kanyang karakter bilang isang mabuting anak. Bagay na bagay sa kanya ang role. Kapani-paniwala ang kanyang mga kilos at facial expressions.


Miles Ocampo is equally as good as the leads. You’ll appreciate her presence and the contribution of her character in this story for two.


May mga desisyon ang mga karakter na mabibigat ngunit mabilis nilang nagagawa. Kulang pa sa mga diskusyon para duon. May mga side plots na dumaan lang at kinulang sa pagkwento. Pilit ang paggamit ng social media videos para sa ilang eksena.


Hindi malinis ang editing at mas may igaganda pa ang cinematography. Maayos ang scoring at nakakatulong ito sa mga emosyonal na eksena. The scoring complements the actors’ performances.


Maliban sa galing ng mga artista, ang pinaka-nangibabaw sa pelikulang ito ay ang kanilang magandang mensahe.


The character arc in this story is the most motivating and the most rewarding. It is worthy to be heard and experienced by many—especially Filipinos.


The message it holds goes beyond family. The last frame in the film is the perfect way to summarize it. The movie puts a valuable perspective to what a family really means.


Hindi nasusukat ang pamilya sa dami nito.


Sapat na ang ipinakita

nina Sharon at Alden

para masabing sila ay mag-ina.


Sapat na ang dalawa

para maiparamdamam

na sila ay isang pamilya.


FAMILY OF TWO

⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Sharon Cuneta, Alden Richards, Miles Ocampo, Jackie Lou Blanco, Tonton Gutierrez

Story & Screenplay by: Mel Mendoza-del Rosario

Presented by: Cineko Productions

Release Date: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


See GR awards here. See GR ranking here.


🎫  WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes

40 comments

40 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Jun 01
Rated 5 out of 5 stars.

Loved it. Ilang beses ako naiyak. Superb acting from ms sharon and alden. Sila lang + miles ( the gf) + pasingit2 na kumare ( ms jackylou).. kumpleto na. ganda ng story. Simple but will touch ur heart. May puso.. 👍👌❤️

Like

Guest
Jan 20
Rated 5 out of 5 stars.

Mega Star Sharon Cuneta is best actress

Like

Guest
Jan 15
Rated 5 out of 5 stars.

Sharon Cuneta‘s acting iz zo real and zo natural❤️💚💙

Like

Guest
Jan 12
Rated 5 out of 5 stars.

Sharon Cuneta is consistent in giving what is needed to showcase in a character that you will think that the role really exist. Even watching her multiple times, the impact is still the same. That's how great she is. I hope the future generations will witness her passion in making films and as a singer too. When I saw her and watched her movies, I already have a high standards of watching a movie. I am always looking for a Sharon-like acting and I seldom see one. She is really one of a kind.

Like

Guest
Jan 12
Rated 5 out of 5 stars.

SHARON CUNETA

Like
bottom of page