FATHERLAND
- goldwinreviews
- 2 days ago
- 2 min read
Fatherland (2025)
Directed by: Joel Lamangan

Gaya ng lupa, malawak ang sakop ng pelikulang ito. May usapin tungkol sa religion, nationality at terrorism. May karakter na whistleblower, half-sister, supporter at driver. May paghahanap sa nawawalang tatay, pangangalaga sa lupa at kung anu-ano pa.
Habang tumatagal, mas dumarami ang mga paksa. Nawawalan ng focus at direksyon. Nalilihis ang kwento at kung saan saan napupunta.
Hindi napagtahi nang maayos ang lahat ng kanilang gustong sabihin. Patong patong na ang ang mga problema. Ang convenient kung paano nila tinapos ang lahat.
Nakakairitang makita ang super fake at edited na mga larawan. Ilang beses pa nilang inilabas. Ang awkward ng barilan at patayan. Hindi makatotohanan. Joke time ang naging eksena sa hospital.
Ang basic ng mga linyahan para sa mabigat at madugo sanang mga usapan. Ang hilig nilang mag-stereotype.
Hindi bagay kay Allen Dizon ang maging Teban. Halatang naiilang siyang magsalita at kumilos. Nakakatawa ang mga panggagayang ginawa ni Cherry Pie Picache. Plakado ang bosesan at galawan. Iñigo Pascual has a knack for intense drama, delivering scenes that feel authentic and convincing.
Andaming nagsusulputang mga artista. Hindi mo na alam kung sino ba talaga ang bida. Kahit star-studded ang pelikula, hindi mo sila makitaan ng kinang dahil hindi nabigyang halaga ang papel ng bawat karakter.
Nagsimula ang pelikula sa paghahanap ng nawawalang tatay. Sa huli, ang pelikula na mismo ang nawawala. Dahil palipat-lipat sila ng kwento, natagpuang 𝘯𝘰 𝘱𝘦𝘳𝘮𝘢𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴 ang 𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘭𝘢𝘯𝘥.
𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥𝗟𝗔𝗡𝗗
Rating: 1/5
Cast: Allen Dizon, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Richard Yap, Max Eigenmann, Mercedes Cabral, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Kazel Kinouchi, Ara Davao, Bo Bautista, Rico Barrera, Abed Green, and Inigo Pascual
Written by: Roy Iglesias
Presented by: Bentria Productions, Heaven’s Best Entertainment
Release Date: April 19, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Commentaires