top of page

FIREFLY

Firefly (MMFF 2023)

Directed by: Zig Dulay


A mother tells a story

about a firefly to her son.


Makapangyarihan ang paraan ng pagkwento. Dadalhin ka nito mismo sa kanilang kwento.


Kahit mukhang imposible, hindi mo ito kayang pagdudahan dahil punong puno ito ng pagmamahalan. Maniniwala ka na lang. Lilipad ang iyong kamalayan. Hindi mo pagsisihan na sumama ka sa kanilang biyahe.


Nakakadala si Euwenn Mikaell. Magaling siyang umarte. Kakapit ka sa pinagdaraanan niya. Kaya ka niyang pasayahin at paiyakin. Kapag may hiniling siya sa’yo, mahihirapan kang humindi sa kanya dahil sa maamo niyang mukha.


Hindi nawawala ang presensya ni Alessandra de Rossi bilang ilaw ng tahanan. Kahit anong ikwento niya sa kanyang anak, makikinig ka talaga dahil ramdam mo na mula ito sa isang inang nagmamahal.


Max Collins fits the role of being the interviewer. Her character is comparable to an audience that gains interest to the movie as it progresses.


Nakakamangha ang cinematography at ang visual effects. Binigyan nito ng kakaibang buhay ang mga tanawin sa Bicol. The exact names of the places and cities could’ve been better highlighted. The stories per tourist spots are underutilized. A few drone shots are pixelated. Some in-between conversations felt missing. The overall message of the movie is not in sync with their very last line. It should have been a different phrase instead.


Dalawang version ng kantang 𝘈𝘭𝘢𝘱𝘢𝘢𝘱 ang pinatugtog. Isang masaya pakinggan at yung isa ay malungkot. Parehas itong bagay sa pelikula. Nakakaantig ang scoring at ang boses ni Len Calvo. Masarap sa tenga at sa puso ang kanyang ballad version ng Alapaap. Sana ay ginamit pa ito sa mas marami pang mga eksena.


Ang magandang istoryang isinulat ni Angeli Atienza ay tinapatan ng magandang direksyon. Mula sa teleseryeng 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘊𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘵 𝘐𝘣𝘢𝘳𝘳𝘢 hanggang sa pelikulang 𝘍𝘪𝘳𝘦𝘧𝘭𝘺, hindi ka bibiguin ni Direk Zig Dulay sa kanyang tapat at sinserong direksyon.


Sing-taas ng alapaap ang mga emosyon.

Sing-ningning ng alitaptap ang mensahe.


Madilim sa sinehan ngunit maliwanag ang taglay na ganda nitong pelikula. Hindi kailanman napundi ang pagmamahalan ng mag-ina sa istoryang ito.


GMA had five offerings for 2023. Without a doubt, this is GMA’s best film this year. Let the beauty of 𝘍𝘪𝘳𝘦𝘧𝘭𝘺 serve as your light this Christmas.


Pusong bata ka man o matanda,

makakasabay ka sa paglipad ng 𝘈𝘭𝘪𝘵𝘢𝘱𝘵𝘢𝘱 na ito hanggang alapaap.


Sumama ka!


FIREFLY

⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Euwenn Mikaell, Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Kokoy De Santos, Max Collins, Yayo Aguila, Cherry Pie Picache, Dingdong Dantes

Story & Screenplay by: Angeli Atienza

Presented by: GMA Pictures, GMA Public Affairs

Release Date: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


See GR awards here. See GR ranking here.


🎫  WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes

24 comments

24 comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
Invitado
20 ene 2024
Obtuvo 5 de 5 estrellas.

A

Me gusta

Invitado
07 ene 2024
Obtuvo 4 de 5 estrellas.

watched it today and i was not disappointed for a good cry on that pier scene. i loved the use of metaphors as it made sense along the way.


it may look like a mother and child story, but it presents trauma and the stages of grief. ang galing lang din talaga. though, it felt na lacking lang yung sa story nina erika at billy. i would've loved to hear the elaboration of their story; the diskarte queen erika and the untrustful billy.


pero all in all, mage-gets mo bakit best picture sya. ang galing lang talaga ng pelikula.

Me gusta

goldwinreviews
goldwinreviews
27 dic 2023
Obtuvo 4 de 5 estrellas.

Storytelling: 4.5

Emotions: 4.5

Screenplay: 4.5

Technical: 4

Message: 4


AVERAGE SCORE

Firefly: 4.3

Me gusta

Florence Jay Munar
Florence Jay Munar
27 dic 2023
Obtuvo 5 de 5 estrellas.

Definitely a must-watched in my opinion. Anlaki din ng twist sa mismong climax ng storya. Really is a Zig Dulay craft over there. 😀

Me gusta

Invitado
26 dic 2023
Obtuvo 5 de 5 estrellas.

Medyo mahal yung ticket nila compare sa iba pero sulit,naiyak ako dun sa pier scene ang galing ni Euween

Me gusta
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page