40 (2024)
Written & Directed by: Dado Lumibao
Hindi bagay kina Kiko Estrada at Cindy Miranda ang mga roles na ito. Bagamat hindi masagwa ang kanilang aktingan, hindi rin ito masyadong nakakadala.
Hindi buo ang pagkakasulat para sa mga karakter. Walang anggulo tungkol sa pamilya o kaibigan, pero importante ito para sa kanilang napiling paksa. Masyadong limitado ang ipinakitang istorya. Ang mga mahahalagang desisyon ng mga karakter ay hindi nasuportahan.
Meron silang sinasabi tungkol sa paraan ng pamumuhay, ngunit taliwas ito sa kanilang ginagawa. Madalas nilang paghaluin ang pagmamahal sa pagiging makasarili. May mga bagay din silang ni-romanticize kahit hindi naman dapat.
Nakatutok ang script sa mga gusto nilang plottwists. Hindi natural ang daloy ng kwento. Ramdam mong may iniiwasang detalye. Pinapahaba ang ilang sandali para hindi muna sabihin ang mga sikreto. Minsan, nakaka-aliw ito dahil napapaisip ka kung anong susunod na mangyayari. Ngunit dahil din dito, nabawasan ng bigat ang kanilang sitwasyon.
Papalit-palit sila ng genre. Nagsimulang romcom na may halong thriller na naging family-friendly at nagtapos sa fantasy. Hindi naging malinis ang pagtalon-talon.
Masyadong OA ang mga extra talents at voice overs, at nag-tunog radio commercial na ito.
Maganda sana ang mga napiling shooting locations within Cebu, pero hindi malinaw at hindi maayos ang mga kuha. Maganda rin sana ang mala-concert performance ni Martin Nievera ng “Leaves”, pero hindi akma ang kanyang version para sa pelikula. Naging music video ang mga eksena dahil mas nangibabaw ang laki ng kanyang boses.
Maraming cheesy moments, lalo na kapag gusto nilang magbahagi ng mga leksyon sa buhay. Pwedeng pagtiyagaan ang pagiging cheesy, pero kung pagtutuunan ng pansin ang mismong mga leksyon nila… Dun ka mapapalista ng mga kuarentang bagay na maaaring sumalungat sa kanilang sinasabi.
𝗙𝗢𝗥𝗧𝗬
Rating: 1/5
Cast: Cindy Miranda, Kiko Estrada, Phoebe Walker, JC Tiuseco, Karla Alejo, Ronnie Lazaro, Yayo Aguila, Irma Adlawan, Ruby Ruiz, Erlinda Villalobos, Lawrence Dela Cruz, Diego Loyzaga
Presented by: Viva Films, Happy Infinite
Release Date: September 4, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0.5
Emotions: 0.5
Screenplay: 0.5
Technical: 0.5
Message: 0.5
AVERAGE SCORE: 0.5
Comentarios