top of page

FRIENDLY FIRE

Friendly Fire (2024)

Directed by: Mikhail Red


Isang babae na mahilig maglaro ng online game ang pinalad na maging isang professional player.


Loisa Andalio gave life and spirit to the character. Yves Flores and Harvey Bautista are pleasant players—although Yves being the team captain was not felt in the story. As the coach, Bob Jbeili was underutilized. Coleen Garcia’s portrayal is not highly convincing but it’s passable. Jon Lucas’ presence is strong and intimidating, giving moments of tension to the movie.


Ang MVP sa lahat ng mga karakter ay si Boss Dewey na ginampanan ni Lexter Favor Tarriela dahil sa kasiyahang naibibigay niya at dahil bukas din ang kanyang tahanan sa mga taong nangangarap.


Maganda ang editing at transitions. Nakakadala ang musical scoring. Nakakatawa kung paano bumanat ang mga karakter. Ramdam mo na komportable sila sa isa’t isa. Nangingibabaw ang mabuting samahan at pagkakaibigan.


Minsan ang cheesy ng mga linya, pero dahil galing sa puso, naibabahagi pa rin nila nang maayos ang kanilang mensahe. Sasabihin nila nang derechahan ang mga gusto nilang sabihin. Hindi sila nagpapaligoy-ligoy pa. Hindi sila nagbababad sa mga eksena.


Mabilis umusad ang kwento. Dahil dito, hindi siya nakakainip panuorin. Ngunit dahil mabilisan lang din ang lahat, hindi rin gaanong ramdam ang paglalakbay ng bidang karakter. Sa isang sulyap lang ay nakakatawid na agad siya sa mga susunod na hakbang.


Kapag may mga palya, nareresolba ito agad. Kapag may mabibigat na desisyon na kailangang gawin, walang diskusyon para rito. Hindi nabibigyang importansya ang mga mahahalagang sandali. Dahil hindi gaanong ramdam ang paghihirap, hindi rin gaanong ramdam ang tagumpay.


Sana nagkaroon ng kahit maikling walkthrough para sa nilalaro nilang game, dahil minsan ay parang sila sila na lang ang naglalaro at nagkakaintindihan.


Ang magandang nangyari sa palabas na’to ay ang kamalayan nilang magpasok iba’t ibang aral habang sila ay naglalaro. Merong tungkol sa kababaihan, empleyado, pagkakaibigan, pamilya—at lahat ng ito ay swak sa mga eksena.


Gaya ng pangunahing karakter, hindi sumuko ang pelikulang ito na mabigay ng mensahe para sa mga manlalaro at manunuod.


Serving as an inspiration, this movie is always on fire with hope and positivity. For uplifting fellow players, this movie is a friend in the e-sports community.


𝘍𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘭𝘺 𝘍𝘪𝘳𝘦 manages to be a fun and entertaining watch while instilling values applicable in game and in life.


𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗𝗟𝗬 𝗙𝗜𝗥𝗘

Rating: 3/5


Cast: Loisa Andalio, Coleen Garcia-Crawford, Yves Flores, Harvey Bautista, Bob Jbeili, Liza Diño, Jon Lucas, Lexter Favor Tarriela, with special participation of Alodia Gosiengfiao-Quimbo

Screenplay by: Nikolas Red, Anton Santamaria

Presented by: Black Cap Pictures

Release Date: October 23, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  2.5

Emotions:  2.5

Screenplay:  2

Technical:  3.1

Message:  3

AVERAGE SCORE:  2.62

0 comments

Bình luận

Đã xếp hạng 0/5 sao.
Chưa có xếp hạng

Thêm điểm xếp hạng
bottom of page