Gulay Lang, Manong (Cinemalaya 2024)
Written & Directed by: BC Amparado
Tropa tropa chill chill.
Magaan kaagad ang luob mo sa pelikulang ito dahil chill lang siya. Parang tropa lang kung makipag-usap ang mga karakter. Hindi mo alam kung seryoso na ba sila o nakikipagbiruan lang. Kahit ano pa yan, sasakyan mo ang trip nila.
Don’t panic kasi organic ang paraan ng kanilang pagkwento. Hindi pilit ang mga patawa.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Hindi ka maiinip sa mga nangyayari. Mula sa pag-gulong ng isang gulay hanggang sa pagyakap nang walang malisya, nakaka-relax lang panuorin.
Masarap ding maki-party sa soundtrack nila. Akala mo mapapasayaw ka lang, yun pala may sinasabi na ang liriko nito. Nakaka-antig din ang kantang ginamit para sa end credits.
Ang mga kaganapan ay unti-unting nagkakaroon ng halaga. Pa-simple ka nilang susubuan ng gulay. Hindi mo namalayan nakahithit ka na pala ng sustansya.
Maliban sa katuwaan,
meron ka ring natututunan.
Sana mas marami pang ibinahaging impormasyon at iba’t ibang pananaw tungkol sa kanilang paksa. Gayunpaman, sapat na ang kanilang ipinakita para magkaroon ka ng pake sa mga nangyayari.
Cedrick Juan’s charm complements his role. Perry Dizon wholeheartedly and instantly captures the struggles of a farmer. BJ Tolits Forbes being free-spirited is contagious. Lui Manansala’s brief presence was remarkable. A hug from Dong Abay feels life-changing. Ranzel is the superstar of the show. This ensemble has an effortless chemistry. Every role is significant to send the film’s message in a subtle way.
Oftentimes, movies with social commentary can get too preachy or serious. It’s a different case this time. Having the right balance of entertainment and substance, this film has successfully initiated important and life-changing discussions.
𝘎𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘓𝘢𝘯𝘨, 𝘔𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 is not trying too hard
yet it hits hard. This gulay is worth every manong’s attention. Wag mo itong nila-lang-lang dahil hindi lang siya lang!
𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚
Rating: 4/5
Cast: Cedrick Juan, Perry Dizon, BJ Tolits Forbres, Ranzel, Dong Abay, Brian Sy, Ricky Davao, Lui Manansala
Release Date: August 3-11, 2024 at the Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, U.P. Town Center, and Market! Market! for the 20th Year of Cinemalaya
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments