Halimaw Musical (2023)
Directed by: Raffy Tejada
Written by: Isagani R. Cruz
Music by: Vince Lim
Presented by: DLSU Harlequin Theatre Guild
A janitor tries to save the King’s three daughters from monsters.
As the janitor, Noel Comia Jr. is charming. As one of the daughters, Aira Romero is convincing. As the King, Bene Manaois is effortless. He can captivate you with his commanding presence.
Nababagay ang mensahero na karakter para kay Devs De Vera. Kahit nag-ra-rap siya at mabilis siyang magsalita, klaro pa rin ang kanyang mga sinasabi.
Tinaguriang Tawag Ng Tanghalan Year 7 3-time Defending Champion, si Murline Uddin ay isa sa mga halimaw sa kwento at pinarinig niya ang kanyang mala-halimaw at pang-malakasan na boses.
Nung lumabas si Viñas Deluxe sa entablado, nag-uumapaw ang kanyang charisma. Pasabog at may taglay na uniqueness ang kanyang costume. Literal na may nerve at sariling itong buhay. Ang performance niya ay nababagay sa kanyang karakter bilang Sirena. Umaagos na parang tubig ang kapaligiran nung siya’y kumanta na. Punong puno ng talent ang kanyang produksyon. Dahil diyan, hindi lang Shantay you stay ang hatol sa kanya kundi ConDragulations!
May ilang aktor na okay umarte. Meron ding hindi. Karamihan sa mga karakter ay walang sariling pagkakakilanlan. May linyang matamlay ang pagkakasabi. Ang pagitan ng bawat eksena ay hindi pulido. Ang pag-usad ng kwento ay mabagal. Nahuhuli ang pagtutok ng ilaw sa karakter. Maluwag ang entablado at hindi nagagamit ang kabuuan nito. Madalas masira ang mic at nagiging sagabal ito sa panunuod mo.
Magaling ang paggamit ng recycled items sa kanilang mga props. Ang multi-purpose na mga hagdan ay nakakatuwang tingnan. Nakakalungkot ang sinisimbulo ng bawat halimaw sa sarswelang ito.
Ang mensahe sa huli ang siyang pinaka-halimaw sa lahat ng kanilang naipakita.
Nakakatakot ngunit totoo.
Magpapalamon ka ba?
Comments