Halinghing (Vivamax 2024)
Directed by: Jaque Carlos
Palaban sana ang mga sex scenes.
Pero ampanget ng musical scoring kaya nawawala ang halinghing. Masyado peke rin ang sound design at make-up.
May Photography project na tinatapos ang bida, pero walang development na nangyayari. Ibang klaseng shooting ang nagaganap.
Yung isang bidang karakter ay artista raw, pero hindi naman siya magaling umarte. Nagsama ang dalawang babae na hindi kapani-paniwala sa kanilang trabaho.
Ang haba ng mga sex scenes, pero hindi ramdam ang kanilang pagmamahalan. Parang nasa nude exhibition show lang sila. Nagamit ulit ang lampungan ng dalawang babae nang hindi sila nabibigyan ng magandang istorya. Ang boring ng mga usapan. May nangyayaring suntukan pero sobrang lamya pa rin.
Napapadalas ang pag-promote ng Vivamax sa “Playtime”. Pagkatapos magsex ng mga bida, bubuksan at maglalaro sila kunwari nung app tapos mabilis silang nananalo. Nakakaumay na dahil pares-parehas ang atake ng kanilang eksena. Mag-isip naman kayong bagong concept.
Walang bigat ang istorya. Nananapaw ang musical scoring. Nawawalan ng libog ang mga sex scenes. Kinukulang sa emosyon ang mga eksena. Nakaantok na siyang panuorin. Marami ng boring na Vivamax movies na lumabas, pero kahit sanay ka na rito… Mapapailing ka pa rin sa 𝘏𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘩𝘪𝘯𝘨.
𝗛𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗛𝗜𝗡𝗚
Rating: 0/5
Cast: Aiko Garcia, Jenn Rosa, Marinella Sheen, Josef Elizalde, Patani
Story & Screenplay by: J. Laspuna
Presented by: 3 Clubs Entertainment, Playtime
Release Date: October 18, 2024 on Vivamax (VMX)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: 0
Screenplay: 0.5
Technical: 1
Message: 0
AVERAGE SCORE: 0.3
Comments