Her Locket (Sinag Maynila 2024)
Directed by: J.E. Tiglao
Dalawang oras ang pelikula. Minsan, ika’y maiinip dahil antagal at andaming gustong ikwento. Ngunit sa kabuuan, meron itong angking ganda na iyong matatandaan.
May dementia ang pangunahing karakter, at paunti-unti siyang magkwekwento ng kanyang mga naaalala. Siksik ito sa impormasyon at kaganapan. Maraming parte na pwedeng tanggalin o paiksiin, ngunit hindi masama na ito’y iyong nalaman din.
May kilig na naibigay si Tommy Alejandrino. May angking galing si Sophie Ng. Simula ng pumasok sila sa mga eksena, nagkaroon ng buhay ang pelikula. Naging interesado ka bigla sa mga karakter. Aabangan mo kung ano pa ang baon nilang kwento.
Maraming karakter ang ipapakilala dito. Lahat sila ay nagbigay ng kontribusyon para mas kapitan mo ang istorya. Hindi ka susuko hanggang sa huli. Dahan-dahan lang ang agos ng pelikula. Hindi nila minamadali ang mga usapan. Makikinig ka talaga sa kanilang mga sinasabi.
May mga ibinahaging Chinese traditions. Ang kagandahan nito ay napaghalo nila ang pagiging tradisyonal at progresibo ng mga karakter. Hindi sila nakakulong sa kung ano ang dapat o hindi dapat sundin.
Maayos ang mga kuha. Dahil sa anggulo ng kamera, mas nakatutok ka sa mga usapan at kaganapan. Ang mga ilaw at kulay ay nakatulong din para segunduhan ang nararamdaman ng mga karakter.
Dahil sa haba ng pelikula, minsan ay nawawala na sila sa konsentrasyon kung ano ang dapat nilang ipakita. Kulang sa pagbuo ng tensyon sa mahahalagang kaganapan.
Dahil sa dami ng mga karakter, minsan ay hindi mo na alam kung kaninong istorya ba talaga ito. Naghahalo ang iba’t ibang mensahe. Gayunpaman, pagdating sa huli, naibigay nila kung ano ang dapat nilang ibigay.
𝘏𝘦𝘳 𝘓𝘰𝘤𝘬𝘦𝘵 may look small on the outside but it has a lot to offer on the inside. The film will be remembered in so many ways—and majority of it are good ones. You won’t regret unlocking memories and life experiences with 𝘏𝘦𝘳 𝘓𝘰𝘤𝘬𝘦𝘵.
𝗛𝗘𝗥 𝗟𝗢𝗖𝗞𝗘𝗧
Rating: 3/5
Cast: Rebecca Chuaunsu, Sophie Ng, Elora Españo, Francis Mata, Tommy Alejandrino, Benedict Cua
Written by: Maze Miranda, J.E. Tiglao
Presented by: Rebecca Chuaunsu Film Production, Revelde Films
Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 3
Emotions: 3
Screenplay: 3
Technical: 3.1
Message: 3
AVERAGE SCORE: 3.02
Opmerkingen