top of page

HIRAM NA SANDALI

Hiram na Sandali (VMX 2025)

Directed by: GB Sampedro


Dalawang mag-ex ang nakipagsex sa isa’t isa—kahit may mga asawa na sila. Pagkatapos nun ay umuwi sila ng kanya-kanyang bahay para makipagsex naman sa mga asawa nila.


Hindi ramdam sa kanilang pagmumukha ang pagsisisi. Walang nabubuong chemistry sa paggitan ng mga karakter. Labas sa ilong mga usapan nila.


Bare minimum ang mga sex scenes. Naghubad at pinagdikit na lang mga katawan nila. Pares-parehas ang atake. Tadtad ng slow motion. Ang background music habang nagkakantutan sila ay halos mga kanta ni Aiyo.


Patalon-talon ang mga nangyayari. Puro highlights na lang ang ipinapakita nila.


Nasa lamay sila ng aso. Nag-away sa coffee at donut. Nag-file ng annulment. Namatay ang nanay. May sibling war. Nagkaproblema sa trabaho. May death threats. Nagkapatawaran. Nagtaksil. May anak sa labas. Lahat ng teleserye tropes ay pinagsiksikan nila sa isang oras.


Wala na silang gana magkwento. Pinagsama-sama na lang nila ang mga nakuhanan nilang mga eksena. Ang lamya ng editing na puro fade to black ang ginagamit na transition. Kung sabagay, nakakatamad na ring ayusin ang isang bagay na sobrang watak watak na.


Wala ni isang sandali sa palabas na’to na naging maganda siya. Pahiram ng tiyaga at pasensya sa mga paparating pang VMX movies.


𝗛𝗜𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜

Rating: 0/5


Cast: Dyessa Garcia, Vince Rillon, Denise Esteban, Aerol Carmelo, Ara Altamira

Story by: GB Sampedro, Marvic Kevin Reyes

Screenplay by: Marvic Kevin Reyes

Presented by: Five 2 Seven Entertainment Production

Release Date: January 24, 2025 via VMX (Vivamax)

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page