top of page

HIRAYA

Hiraya (Vivamax 2024)

Directed by: Sid Pascua

May isang babae na ang pangalan ay Hiraya.

Ang kanyang katauhan ay mahiwaga.


Thank you for experimenting and trying to give a different story. But unfortunately, the direction and execution pulled this movie down.


Pilit pinapahaba ang mga eksena. Paulit-ulit ang sinasabi ng mga tao. Antagal umusad. Kahit i-fast-forward mo, makakahabol ka pa rin sa kwento. Hindi nakaka-enganyong panuorin ang mga eksena.


Bigla-biglang pumapasok ang mga sex scenes. Nananapaw ang scoring. Hindi maganda ang editing at ang mga transitions. Kitang-kita na walang inupuuan yung babae.


Pwede nang pagtiyagaan ang akting ni Rica Gonzales dahil kakaiba at misteryosa naman ang kanyang karakter. Hindi nakakatakot ang pagiging kontrabida ni Ithan Rosales. Parang naglalaro lang si Quinn Carillo. Okay umarte sina Denise Esteban at Nathan Rojas.


Bawat karakter ay may isyung kinakaharap, pero hindi ka mag-aalala para sa kanila. Nagkakagulo na ang lahat, pero kulang na kulang pa rin sa tensyon.


Within the Vivamax universe, 𝘏𝘪𝘳𝘢𝘺𝘢 can be considered as the downgraded version of 𝘕𝘦𝘳𝘪𝘴𝘢. Both movies tell a tale of a mysterious woman. Gigil na gigil ka sa mga nangyayari sa 𝘕𝘦𝘳𝘪𝘴𝘢, pero dito sa 𝘏𝘪𝘳𝘢𝘺𝘢 ay wala kang maramdaman.


Maliban sa manhid ka na sa mga nangyayari, napunta na rin sa kawalan ang istorya. Masyadong naging mahiwaga ang pelikula na tipong tinamad na silang nakwento. Imbes na maging misteryoso at palaisipan, mukhang tinakasan na lang nila ang lahat ng ipinakita nilang problema.


Sayang ang pagiging mahiwaga ni Hiraya dahil kailanman ay hindi ka nagkaroon ng pake sa kanya at sa mga taong nakapalibot sa kanya. Hindi nagamit ang kanyang kahiwagaan sa magandang paraan.


Ito'y isang 𝘏𝘪𝘳𝘢𝘺𝘢 na 'di manawari.


HIRAYA

Rating: 0/5

Cast: Denise Esteban, Quinn Carillo, Ithan Rosales, Nathan Rojas, Rica Gonzales, JD Aguas, Apollo Abraham, Rowan Diaz, Elmo Elarmo, Tabs Sumulong, Lowell Conales, Panteen Palanca, AJ Oteyza, VJ Vera, Mark Labrador, Jhai Slvr, Abby de Ocampo, Noel Rosales

Screenplay by: Quinn Carillo

Presented by: 3:16 Media Network

Release Date: July 12, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  0

Screenplay:  1.5

Technical:  0

Message:  1

AVERAGE SCORE:  0.3



0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page