Huling Lamay (AQ Prime 2022)
Directed by: Joven Tan
70 minutes ang pelikula.
Pero 7 minutes lang ang mahalaga.
The rest ay parang Screen Saver na.
Puro gubat, apoy, usok, tubig ang makikita.
Panay naglalakad at pananakot ang eksena.
Napakabagal ng phasing.
Buti sana kung sulit ang paghihintay.
Pero wala ka rin namang napala.
Kakaiba sana ang istorya. Tungkol sa pamana ng isang lola na hindi pa nakikita ng mga apo. Aabangan mo kung bakit may pamana at kung saan sila nanggaling. Pero wala gaanong naikwento. Halos walang naipakitang mga eksena. Dinaan na lang sa narration ang mga importanteng bagay.
Andaming elemento na pwedeng paglaruan at pag-usapan. Pero hindi nangyari. Wala silang ginagawa. Masaya na sila na pa-ikot-ikot lang sa location nang isang oras.
Dapat sa mga ganitong pelikula,
Nililibing sa malilim na hukay
At hindi na paglamayan pa.
HULING LAMAY
Rating: -1/5
“Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko itong ka-cheapan na ito eh.”
- Marlo Motel as Lucas
Cast: Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso
Presented by: AQ Prime
Date Released: August 8, 2022 via AQ Prime App
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentarios