Huling Palabas (Cinemalaya 2023) Directed by: Ryan Machado
A coming-of-age story with a beautiful cinematography
Mapapanga-nganga ka sa ganda ng Romblon. Dahil sa sobrang ganda, mapapa-isip ka kung totoo pa ba ang mga nakikita mo.
Masarap sa mata ang mga tanawin. Masarap maging bisita sa kanilang tahanan.
The actors are charming. Them being curious makes you want to ask questions too. Shun Mark Gomez’ raw and natural portrayal gave justice to the character. Bon Andrew Lentejas is just as good. Their bond in this film is simple yet true.
Pa-tingi-tingi lang ang mga usapan. May mga banat na nakakatawa. May mga eksenang nakakatuwa. Sa mga sandaling iyun, nagiging interesante ang pelikula. Ngunit hindi ito nagtatagal. Panandalian lamang.
Madalas ay idinaraan sa simbolismo ang mga gusto nilang sabihin. Imbes na magkwento sila at makipag-usap, mas pinili nilang maglagay na lang ng mga simbolo. Hindi malakas ang dating nito dahil hindi maganda ang pagkakabuo para dito. Pakiramdam mo ay nagiging maramot sila sa pagkwento.
The flow of the movie is not building into anything climactic. You don’t know where they are going to. Sometimes, you feel it’s already the ending but it’s not. There are scenes that can be removed but it’s there.
The confusion that the main character is experiencing is literally translated into the movie’s direction.
Magandang pagmasdan ang palabas na’to. Ngunit mas nangibabaw ang kawalan nito.
HULING PALABAS
⭐️⭐️ Cast: Shun Mark Gomez, Bon Andrew Lentejas, Jay Gonzaga, Serena Magiliw, Senand Gomez Cedrick Juan Presented by: Cinemalaya 2023, Tilt Studios, Kayumanggi Kolektib, Terminal Six Date Released: August 5, 2023 at the PICC A Movie Review by: Goldwin Reviews
1 Comment