top of page

HULING SAYAW

Huling Sayaw (2023) Directed by: Errol Ropero


Sa mga unang sandali ng pelikula, masisilayan mo ang logo ng production nila na tila gawa sa WordArt ng MS Word. Kasabay nito ang OBB kung saan ipinakita ang pangalan ng mga artista.


Halos kalahati sa mga artista ay pwedeng tanggalin. Sina Mark Herras at Zeus Collins ay tumango lang at sumayaw nang kaunti. Umiyak saglit si Mickey Ferriols. Nagbigay ng ilang linya si Ramon Christopher. Sina Emilio Garcia at Jeffrey Santos ay nagpakita out of nowhere tapos exit na. Hindi mo alam kung anong papel nila.


Naglalaro sa anim ang eksena ni Belle Mariano, pero saglit lang ang bawat isa. Bestfriend daw siya pero hindi naman siya hinahanap ng bida. Si Christian Vasquez ay mukhang natatawa sa seryosong eksena. Tinatamad umarte si Jao Mapa. Keri lang sina Bugoy Cariño at Rob Sy.


Karamihan sa mga bagets ay nakakaasar umarte. Puro estudyante ang mga karakter nila, pero walang eksena ni isa sa classroom. Halos lahat ay hindi nag-aaral. Mahilig silang mang-away at mang-asar sa kapwa. Nakaka-baba ng self-esteem ang mga jokes nila.


Hindi nakakabilib ang mga dance moves. Walang dance journey na ipinapakita. Sasayaw agad sa hindi maintindihang event. Ginawang magic show ang dance floor. Pang-amateur ang coverage. Malabo ang mga kuha. Zoom in zoom out umiikot basta basta ang kamera. Walang focus. Hindi okay ang editing. Paulit-ulit at nakakabanas ang sounds.


Magulo ang flow. Actually, wala palang flow. Pinagsama-sama na lang ang mga eksena. Bigla nalang may lalabas na tribo na kailanman ay hindi binigyan ng importansya sa pelikula. Isang tumbling lang mula Manila to Benguet. Sariling sikap ka magtahi ng mga nangyayari. Mapapa-isip ka parati kung nasaang parte na ba ito ng kanilang istorya. This movie will make you think.


Nakakaloka ang plottwist. Andami mo na ngang iniisip, dumagdag pa ang plottwist na yan. May mga eksena rin na nangyari “after five years” na hindi naman kailangang ipakita pa. Huli na ang lahat para bumawi pa sila.


Hindi ka makakasabay sa indak ng pelikulang ito. Nahuhuli sila sa kwentuhan at sayawan. Kapag inalok ka ng huling sayaw, baka ikaw pa mismo ang unang aayaw.


HULING SAYAW Rating: -2/5

Cast: Bugoy Cariño, Belle Mariano, Jao Mapa, Ramon Christopher, Rob Sy, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Marina Benipayo, Mark Herras, Zeus Collins Presented by: Camerrol Entertainment Productions Date Released: September 13, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page