Huwag Mo 'Kong Iwan (2024)
Directed by: Joel Lamangan
Hindi lang pala poster ang panget.
Pati buong pelikula ay panget din.
Hindi pang sine ang quality.
Mas bagay siya ipalabas sa superlines.
Mabigat ang mga isyu na kanilang ipinapakita. Merong drug trafficking, prostitution, cheating at homicide. Tapos lahat ng iyon ay naresolba kuno dahil sa isang handwritten letter, diary at confession video. Quotang quota sila sa mga teleserye tropes.
Maliban sa nakakalokong istorya, hindi na rin pinag-isipan ang mga shots. Pinatong na lang sa tabi ang kamera, tapos pina-arte ang mga artista.
Tila wala na silang oras at budget gumawa ng mga eksena dahil puro daldalan na lang ang nangyayari. Ang mga linyahan nila ay summary ng mga nangyayari sa kanilang buhay. Imbes na ipakita, sasabihin na lang nila at idadaan sa handwritten letter na perfect ang spacing.
Nakakaasar ang mga karakter. Salawahan si Rhian Ramos sa palabas na ito. Nagpapaligaw siya sa iba kahit may fiancé na siya. Power tripper si Tom Rodriguez dito. Ginagamit niya ang kanyang pagiging attorney para ligawan ang babae kahit taken na ito.
Singer si JC De Vera rito pero hindi nakakabilib ang kanyang boses. Nung kumanta siya, inatake sa puso ang kanyang biyenan. Literal na tinamaan ang kanyang puso dahil sa kanta.
Pinagsabong ang musikero at abogado pero hindi man lang nag-abala ang palabas na ito na gawing pantay ang laban. Ginamit lang ang mga sikat na propesyon para sa plottwist at para paglaruan ang mga karakter.
May milagrong nagaganap sa audio dubbing. Si Pinky Amador ang kausap, pero ka-boses ni Sol Aragones ang naririnig mo.
Ang mga kabalastugan ay hindi natutugunan. Pinapamukha nila na okay lang ang lahat ng mali kaya pwede nang mag-move-on. Ganun kalala ang mind conditioning na nangyayari sa palabas na ito.
Magtatapon sila ng maraming problema, tapos iiwanan lang nila ito sa ere. Hindi nila sinasalo nang maayos.
Sabi nila huwag mo 'kong iwan,
pero sila pala 'tong nang-iiwan sa ere.
𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗢 '𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗪𝗔𝗡
Rating: -1/5
Cast: Rhian Ramos, Tom Rodriguez, JC De Vera, Pinky Amador, Emilio Garcia
Screenplay by: Eric Ramos
Presented by: Bentria Productions
Release Date: November 27, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: 2
Screenplay: -1.5
Technical: -1
Message: -2
AVERAGE SCORE: -0.5
Comments