Isa Pa, With Feelings (2019)
Directed by: Prime Cruz
Maine Mendoza shines best whenever there’s a comical scene in the movie. Her animated expressions work to her advantage.
However, as the movie title suggests, most scenes require intense emotions which she still lacks. Whenever there’s a heavy scene, parang gusto mong sabihin “Isa Pa, With Feelings”.
Ang pinaka-tumatak na eksena nila ay yung sa coffee table. Binanggit ni Maine yung napakagandang linya that summarizes her love for Carlo.
Si Maine lang yung may linya.
Pero mas nangungusap pa rin si Carlo.
Magaling umarte si Carlo Aquino.
Kahit wala syang linya, lahat ng feelings nasasabi nya.
Yung mukha nya... ang lakas mangusap.
Kahit nakatingin lang sya.
Feel mong malungkot sya.
Yung kilos nya... ang lakas ng dating.
Kahit nakaupo lang sya.
Ramdam mong galit sya.
Pati yung pag sign language nya... natural lang na dumadaloy sa kamay nya.
You will feel the sentiments of a deaf person because of him. He deserves an award for his performance in this movie.
Applaudable din ang performance ni Arci Muñoz. She embodies the cliché - “There are no small parts. Just small actors.” Dahil kahit sobrang iksi ng appearance nya, ang lakas ng impact na iniwan nya. Both her beauty and acting is mesmerizing. You will feel her perspective.
In terms of the story, it’s still half baked. Andami nilang sinimulan na issue, pero hindi nila tinapos. Anong nangyari dun sa pamangkin ni Maine? Asan na yung ultimate dream ni Carlo? Ano bang mga plano nila sa buhay? At madami pang iba na naglaho na lang bigla kasi ending na.
Nag-concentrate sila kung paano magagampanan nang maayos ni Carlo Aquino ang role nya. And they did that with flying colors. But in doing so, they failed to bring color to the story.
ISA PA WITH FEELINGS
⭐️⭐️
Cast: Maine Mendoza, Carlo Aquino
Presented by: Black Sheep, APT Entertainment
Date Released: October 21, 2019 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentarios