top of page

KAILAN KA MAGIGING AKIN

Kailan Ka Magiging Akin (1991)

Directed by: Chito Roño


Sa simula, hindi mo alam kung saan patungo ang kwentong ito. Andaming sumusulpot na karakter. Bigaten ang mga artista at palaban lahat sa aktingan.


Damang dama ang pagiging maldita ni Charo Santos dito. Siya ang una mong kakapitan. Hindi ka niya papakawalan. Ang kanyang character arc ang siyang pinaka-masarap subaybayan.


Nang magkatagpo ang landas nila ng bata, doon nagkaroon ng direksyon ang pelikula. Nagkaroon ka ng pake sa mga karakter at kung anong mangyayari sa kanila. Naging mahalaga ang papel ng bawat isa.

Malakas ang dating nina Gabby Concepcion at Julio Diaz. Hindi sila nagpahuli sa aktingan. Ang cute pagmasdan nina Janice De Belen at Carmina Villaroel. Hindi naglaho ang kanilang galing sa dramahan. Effortless bilang kontrabida si Vivian Velez.


Dalawang oras ang pelikula, ngunit tutok ka sa mga kaganapan. Maya’t maya ay umaandar ang istorya. Napaghalo nang maayos ang mga seryosong kaganapan at mga panandaliang aliwan.


Nakakatuwang isipin na sa 90s ito nagawa, ngunit ang mga paandar at punchlines nila ay patok pa rin hanggang ngayon. Hindi pa gaanong litaw ang ganda ng cinematography, ngunit hindi sila nagkulang na busugin ang manunuod sa ibang paraan.


Hindi man swak ang pamagat sa kabuuan ng kwento, maaaring isipin na kinakausap at sinusuyo ng pelikula ang manunuod:


“𝘒𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘒𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘬𝘪𝘯?”


Sa lahat ng kanilang naipakita at nagawa,

matutunan mong mahalin ang pelikula.

Mananatili itong isang magandang ala-ala.


Noon pa man, may angking talento na ang Pinoy sa pagkwento. Magsilbi sanang inspirasyon ang nakaraan sa magiging kinabukasan ng Pelikulang Pilipino. Patuloy nating suportahan ang timeless classics tulad nito.


𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗞𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗜𝗡

Rating: 4/5


Cast: Charo Santos, Janice De Belen, Carmina Villaroel, Gabby Concepcion, Julio Diaz, Eddie Gutierrez, Vivian Velez, Gina Alajar, Cherry Pie Picache, Lady Lee

Written by: Mia Concio

Produced by: Visions Films

Scanned & Enhanced by: ABS-CBN Film Restoration

Special Screening: P180 pesos ticket price from April 9-13, 2025 at selected Ayala cinemas nationwide. See details here.

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page