KAmpon (MMFF 2023)
Directed by: King Palisoc
Isang batang ulila ang biglang
lumitaw sa pintuan ng mag-asawa.
Ang bata ba ay magiging ampon?
O isa ba siyang kampon?
Itong pelikula ay kampon ng kaantukan.
Makakatulog ka sa sinehan.
Imbes na sumigaw ka sa takot,
mapapa-hikab ka sa antok.
Wala kang maramdaman. Pagtatawanan mo na lang sila sa ginagawa nila. Joke time ang ibang pananakot.
Wala kang kwentong sinusundan. Isang oras na ang nagdaan, wala pa ring nangyayari. Climax na pero wala pa ring dating. Nung tuluyan nang natapos, ang sarap himamlay sa kama para ituloy na ang tulog.
May gusto silang sabihin tungkol sa pagkakaroon ng anak, pero wala rin silang nasabi sa huli. Maramot silang magkwento. Idinaan na lang lahat sa hitsura ng pelikula. Hindi na sila nag-abalang ipakilala ang mga karakter.
The movie wants to make you think ika-nga.
Kaya ayun. Wala na silang nasabi talaga.
Bahala ka na sa buhay mo ang peg nila.
Nakakatakot sana ang mismong make-up. Matino rin ang cinematography at editing. Maayos ding umarte sina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, at Erin Espiritu. Kahit saglit lang lumabas si Zeinab Harake, pang-horror ang kanyang look at vibe. Ngunit nasayang ang lahat ng mga yun dahil hindi epektibo ang paraan ng kanilang pagkwento.
Hindi lang pala ito kampon ng kaantukan,
kampon din ito ng kasayangan.
Sayang ang oras at pera mo rito sa Kampon.
KAMPON
Rating: 0/5
Cast: Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, Zeinab Harake, Erin Espiritu, Eunice Lagusad, Nico Antonio
Story by: King Palisoc
Screenplay by: Dodo Dayao
Presented by: Quantum Films
Release Date: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
🎫 WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes
ang husay ng gumanap
Mahusay umarte ang mga bida, kaya lang nakupangan ako s story, nghahanap ako kung ano b ksalanan ni derek sa ina ng bata, at ano ang ngyari sa huli, nghuhula ako kung sumapi n b yung mama ng bata kay beauty, daming tanong, d ko alam , pero mhusay ang nagsiganap❤️❤️❤️
Nice to see that out horror films are evolving. Di na uso yung laid out story na korny.. This is the better horror this year. Why this "blogger" gave it zero? Possibly di nya naintindihan kasi gusto nya i spoonfeed sya ng plot. Typical na pinoy na gusto linear narratives lang at same old same old. Sheesh. Wag ka na mag review
Ang gulo lang ng storytelling. I think inspired sya sa movie na Hereditary
Pogi ni Derek ..wala lang basta love ko yan eh ..