Kantil (Cinemalaya 2024)
Written & Directed by: Joshua Caesar Medroso
Queerbaiting. Maglagay tayong dalawang lalaki na kunwaring nagmamahalan para kabog. Ilagay natin sa trailer at sa synopsis para masaya. Tapos pagdating sa mismong pelikula, isingit lang natin sila.
Pero don’t you worry… Kahit walang queer story, may sangkatutak na symbolisms at plottwists. Tadtarin natin ng kung anu-anong paksa. Insert politics. Sci-Fi. Kahirapan. Budget Allocation. Housing Displacement. Purok Leader. Magical Shell na umiilaw ang luob. And don’t forget to add Ex-Men.
Nakakatuwang makita si Wolverine sa Cinemalaya.
Parang sampung palabas ang napanuod mo tapos iba’t iba ang tema. Hindi nila napagtagpi nang maayos. Sobrang sabog. Walang direksyon ang pelikula. Sa dami ng gusto nilang sabihin, wala na silang nasabi.
Nakakaasar kasi hindi naman kwento ang naging bida rito. Nagpakitang-gilas lang sila sa kung ano kaya nilang gawin.
𝗞𝗔𝗡𝗧𝗜𝗟
Rating: 0/5
Cast: Edmund Telmo, Andre Miguel, Sue Prado, Raul Arellano, Ram Botero, Perry Dizon, Fe Gingging Hyde, Tads Obach, Alyssa Makiling, Ryle Equia
Release Date: August 3-11, 2024 at the Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, U.P. Town Center, and Market! Market! for the 20th Year of Cinemalaya
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments