Kolektor (VMX 2025)
Written & Directed by: Carlo Alvarez

Parang hindi siya isang Vivamax film. Ang mga artista ay umaarte talaga. Merong kwento na nangyayari. Hindi sila nagkakantutan maya’t maya. Makatotohanan ang mga sex scenes.
Bagay sa comedy si Candy Veloso. Hindi siya OA. Sapat lang para matawa ka sa pinagsasabi niya. Kulang sa emotion at facial reaction si Salome Salvi. Disenteng umarte sina Aiko Garcia at Emil Sandoval. Neil Tolentino is underutilized.
Hindi ka lolokohin ng mga mata ni Nico Locco. Nangungusap ang mga ito. Effortless na sa kanya ang ganitong klaseng role. Siya na yata ang resident afam manyak ng Vivamax.
Sa una, madadala ka pa sa usapan nila. Hanggang sa antagal umusad ng mga eksena. Paulit-ulit lang ang nangyayari. Kahit mag-display sila ng mga character names sa screen, hindi nakaka-enganyong sundan ang mga buhay nila. Hindi interesting ang pagkakasulat para sa kanila.
Sa loob ng isang oras, wala kang bagong impormasyon na nalalaman. Tapos pagdating sa dulo, isang bagsakan sasabihin ang backstory.
Hindi magandang tingnan ang pelikula. Alanganin ang cinematography. Hindi bagay ang color grading dun sa mood ng pelikula.
Hindi rin maganda ang takbo ng istorya. Mahina ang editing. Dragging ang pagkwento. Hindi nila kayang i-sustain ang tensyon.
May nangyayaring patayan, pero antamlay ng musical scoring. May nangyayaring saksakan, pero hindi naman ipinapakita.
Para sa isang thriller film, kinulang ito sa thrill. Ngunit pagdating sa mundo ng Vivamax, pasok na ito sa collection ng mga palabas na may kwento at hindi lang basta hubaran.
May this kind of collection be more rampant
in the Vivamax library.
𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥
Rating: 1/5
Cast: Nico Locco, Aiko Garcia, Candy Veloso, Salome Salvi, Neil Tolentino, Beverly Benny, Bebalyn Toriente
Presented by: Alcazar Films, Blackbox Studios, NL Production, in association with NDM Studios
Release Date: March 7, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentários