top of page

KWITIS

Kwitis (Sine Kabataan 2024 Short Film)

Written & Directed by: Silver Racca


A kid’s ambition is to die—with hopes to follow his dead parents.


The film openly talks about death from a child’s perspective, then gives a conclusion that’s straight from the heart. It’s dark comedy, enlightened by a heartwarming message.


Within 20 minutes, they take us through a rollercoaster ride of emotions—making you laugh, scared and cry. There’s ups and downs, somewhere in between, then ending up on a high.


Nakakadala ang batang si Richard Marco Loor. Kapag siya’y nagsasalita, ito’y galing sa puso at punong puno ng buhay. Kahit nakatunganga lang siya, nakakaaliw pa rin siyang panuorin. Nakakatuwa ang naging tambalan nila ni Mrs. Elizabeth Reginaldo.


Ang mga linya ay derechahan at minsa’y matalinhaga. May ilang bagay na hindi mo alam kung matatawa ka pa ba o matatakot na. Hindi ka mapakali hangga’t hindi mo nalalaman ang dulo ng kwento.


Dahil sa presenya ng kabataan at kamatayan, ang panunuod nito ay parehas na mabigat at magaan sa pakiramdaman. Ngunit may angking katapangan dahil ito’y kanilang pinag-uusapan.


Pagdating sa dulo, sasabog ang iyong damdamin na parang kwitis. Nakalipad ang istorya at nakapagbigay ng mataas ang emosyon. Nakarating man sila sa langit, ang pinaka-mahalagang napuntahan ng pelikulang ito ay ang ating mga puso.


For giving sparks of joy and igniting hearts,

𝘒𝘸𝘪𝘵𝘪𝘴 deserves a round of applause.


𝗞𝗪𝗜𝗧𝗜𝗦

Rating: 4/5


Cast: Richard Marco Loor, Mrs. Elizabeth Reginaldo

Release Date: September 20-22, 2024 at Shangri-la Plaza for Sine Kabataan

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page