top of page

LADY GUARD

Lady Guard (Vivamax 2024)

Directed by: Bobby Bonifacio Jr.


Kulang pa sa tapang at angas si Angela Morena. Masyadong malamya si Irish Tan para maging lady guard. Parehas mo silang hindi kakatakutan. Kung sila ang magbabantay ng negosyo mo, hindi ka magiging panatag.


Sa luob ng warehouse kung saan sila nagtatrabaho, maraming bagay ang tinakpan. Naka-blur ang shipping boxes at ang uniform ng guard. Nakaka-distract dahil hindi lang isang eksena ang pinag-uusapan dito kundi marami. Umabot pa sa punto na halos wala ka nang makita dahil andaming naka-blur.


Ang main plot nila ay tungkol sa underground pasugulan at hindi naman tungkol sa gwardya. Sana binigyan man lang ng magandang character arc ang bida. Wala ring kwento tungkol sa mga trabahador. Magandang pagkakataon na sana yun para pag-usapan ang kahirapan kaya sila nagsusugal.


Ang pinaka-panget rito ay halos kasamaan at kalibugan na lang ang ginawa ng mga Lady Guards. Hanggang sa dulo ay nababoy na talaga ang kanilang propesyon.


Wala bang guard na pwedeng sumuway sa mga pinagsusulat ng Vivamax?


Guard, may ______ dito.


LADY GUARD

Rating: 0/5


Cast: Angela Morena, Irish Tan, Anthony Dabao, MJ Abellera

Story by: Steve Sanchez

Written by: Steve Sanchez, Matt Teves

Headwriter: John Carlo Pacala

Release Date: May 3, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  0

Screenplay:  -1

Technical:  0.8

Message:  -2


AVERAGE SCORE

Lady Guard:  -0.24

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page