top of page

LISIK: ORIGIN POINT

Lisik: Origin Point (2025)

Directed by: John Renz Cahilig & Patrick Garcia


Zombie film na hindi nakakatakot.

Mas nakakaasar pa siyang panuorin.


Siguro kung sa YouTube ito inupload, baka mas katanggap-tanggap pa. Pero para ipalabas sa sinehan at maningil ng 390 pesos, ang sakit sa bulsa at sa kalooban.


Hindi pang-sine ang quality. Biglang lumalabo at nawawalan ng focus ang kamera. Masakit sa tenga ang audio dubbing. Hindi sumasabay sa bibig nila. Hindi maganda ang pagkaka-edit. Ang amateur ng pagkakagawa.


Halatang peke ang mga dugo. Hindi makatotohanan ang visual effects. Minsan, nauuna pa ang VFX kesa dun sa mismong galaw. Hindi nakakakilabot ang make-up. Malamya ang mga action scenes. Ang kaunti ng mga estudyante sa eskwelahan. Hindi ramdam na nagkakagulo.


Kung anu-anong kadramahan ang ginagawa nila, tapos gagawing slow motion at lalagyan ng malakas na musical scoring para kunwari exciting ang eksena. Pero waley pa rin.


Alanganin ang mga aktingan. Hindi convincing ang kanilang paghihirap. Hindi sila nakakaawa. Wala kang pake sa mga karakter. Kebs lang kung makagat sila ng zombie. Bahala sila sa buhay nila.

Lahat ng tropes sa isang zombie film ay ginawa na nila. Nagpatong ng upuan at ginawang pangharang. Mga nakulong sa classroom at hindi makalabas. Nakagat ang kaibigan. May savior complex at gustong magpakain kahit pwede naman siyang maligtas. Kairita mga ganung karakter.


Isang bagsakan sinabi ang origin point ng zombie. Wala ka nang aabangan pagkatapos nun. Hihintayin mo na lang na mamatay silang lahat para matapos na itong kalokohan na’to.


Baka uminit ulo mo sa mga zombie na’to.

Manlilisik mga mata mo sa mapapanuod mo.

Hindi mo makitaan ng point ang pelikulang ito.


𝗟𝗜𝗦𝗜𝗞: 𝗢𝗥𝗜𝗚𝗜𝗡 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧

Rating:  -1/5


Cast: Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Revers Quilario, Jeremiah Allera, Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, Ezio Kenshin

Special Participation: Ramon Christopher, Rob Sy

Story: Chrisheil Clemente Acal, Dominic Apil Orjalo

Screenplay by: John Renz Cahilig

Presented by: Dominic Institute of Science and Technology, DomNiel International Films Production

Distributed by: PinoyFlix Films

Release Date: February 19, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page