Ang hirap magsalita tungkol sa palabas na ito dahil nanggaling tayo sa Once On This Island at Next to Normal na parehas nating nagustuhan. Kung ano man ang mababasa ninyo rito, laging tandaan na hindi po ito opinyon ng buong publiko, ito ang boses ng Goldwin Reviews.
Last March 6, we got the chance to watch the show. Got disappointed. Bought a ticket for March 8 to watch it again, thinking it might leave a different feeling with a different cast because usually it does. However, the outcome remains the same.
Maganda sana ang mga plottwists,
ngunit hindi maganda kung paano ito ibinahagi.
Parang nag-enumerate lang sila ng mga eksena, tapos hindi napagdugtong nang maayos. Hindi maganda ang daloy ng kwento.
Pasulpot-sulpot lang ang mga karakter. Kung kaya’t mahina ang kapit mo sa kanila. Magpapakita lang sila saglit, tapos lipat kaagad sa ibang eksena. Wala kang sinusundan na paglalakbay. Hindi malakas ang naging direksyon.
Ang haba ng mga usapan. Salpak lang sila nang salpak ng paksa, ngunit walang pinupuntahan. Wala masyadong diskusyon na nangyayari. Paulit-ulit lang ang mga jokes. Alanganin ang ibang linya. Andaming patay na oras.
Karamihan sa mahahalagang eksena ay sinasabi na lang imbes na ipakita. Hindi ramdam ang bigat ng pinagsasabi nila. Walang dating ang karamihan sa mga song numbers. Hindi swabe ang pagpasok ng mga kanta. Andaming cast na hindi nasulit.
Confident umarte si CJ Navato. Disente ang naging pagganap ni Nicole Omillo. Masayang makitang muli si Rebecca Palacios sa katauhan ni Rita Daniela. Ramdam ang pagod nina Anthony Rosaldo at Khalil Ramos. Nakakaantig ang boses ni Giani Sarita.
Natural magbitaw ng punchlines si Alexa Ilacad. Kapag siya’y kumakanta o nagsasalita, ninanamnam niya ang bawat linya kung kaya’t masarap itong pakinggan.
Bagay kay Boo Gabunada ang role. Tuwing lumalabas siya sa entablado, inaangkin niya ito. Nagwawala siya. Nangungulit. Naninindak. Dahil dito, agad siyang napapansin.
Unfortunately, we weren’t able to watch Vien King and Neomi Gonzales.
Impressive ang visual effects, pero letdown at underwhelming ang stage design. Cute ang mga dance moves, ngunit hindi malinis ang blocking. Magaling ang banda, ngunit hindi maganda ang mismong musical.
Meron ditong R-18 scene na napaka-uncreative kung paano inexecute. Andaming paksa na imbes na pag-usapan ay dinaanan na lang nila.
Sa lahat ng kanilang nagawa at naipakita, hindi angkop ang pamagat na “Liwanag Sa Dilim”. Masyadong pilit. Pagkatapos mo itong panuorin, ang mga katagang ito ay hindi mangingibabaw.
Nakakalungkot. Nakakapanghinayang.
Tila naglaho ang liwanag sa palabas na ito.
Ang naiwan na lang ay dilim.
p.s. Pasensya na at hindi natin nagustuhan ang palabas na ito. Pero mukhang nagustuhan naman siya ng iba. You always have the freedom to watch this show, just as much as Goldwin Reviews has the liberty to share some thoughts. Read all theater reviews here.

why you rate 5 star's if you dont like the show?
manuod pa naman ako
Super same sentiments. This show was a terrible waste of time. No thought, subtletly, nuance or finesse - hallmarks of good theater. This wasn’t theater, just a show, and a bad one. Ugh I feel robbed!
I trust your review because many times, we have the same opinions about different shows. This musical was on my list to watch this month, but I think I’ll replace it with a different one instead. Thank you for sharing your thoughts!