top of page

LOST SABUNGEROS

Lost Sabungeros (Documentary 2024)

Directed by: Bryan Brazil


Nakakakaba kapag may magsasalitang whistleblower. Parang anytime, pwedeng may pumasok sa sinehan para itigil ang palabas. O di kaya’y may mangyaring hindi maganda sa loob ng sinehan. Yung takot na nararamdaman ng mga whistleblowers ay nakakahawa.


Derechahan ang mga sagot na makukuha mo sa dokyung ito. Maganda kung paano nila inilatag isa isa ang kanilang nalalaman. Hindi nila isang bagsakan sasabihin lahat ng impormasyon. Magtatanong ka nang magtatanong tapos paunti-unting sasagutin.


Nakakalungkot isipin na totoong mga tao at kwento itong natutunghayan mo. Makikalala mo ang ilan sa mga lost sabungeros at ang kanilang mga pamilya. Maiintindihan mo kung saan sila nanggagaling. Ang hustisyang makakamtan nila ay hustisya para sa lahat. Kahit mukhang imposible, hindi pwedeng mawalan ng pag-asa lalo na’t nakikita mong lumalaban pa rin sila.


Sana naglaan pa ng ilang minuto para ibahagi kung ano ang mismong nangyayari sa sabungan at ang pasikot-sikot nito. Iba’t iba ang posisyon ng mga lost sabungeros at hindi lahat ay napagtuunan ng pansin. Merong ilang sabong terms na ipinaliwanag nila, pero meron ding ibang jargons na hindi na nila ipinaliwanag. Sana ay naging consistent din ang font style at editing effects na ginamit.


Nakadagdag sa kaba yung tunog ng dokyu. Pero ang tunay na kaba talaga ay kapag lumalabas na ang mga whistleblower. Pag lumalabas naman si Senator Bato, mapapatawa ka na lang. Pag nagsasalita si Justice Secretary Remulla, manghihina ka. Pag pinapakita na ang mga biktima, nakakalungkot na. Naibahagi ng dokyung ito ang kanilang karanasan at ipinaglalaban.


Mabagal umusad ang kaso at mahirap makakuha ng mga ebidensya, ngunit nariyan ang tapang at pagsisikap na malaman ang katotohanan. Matagumpay ang dokyung ito na bigyang boses at plataporma ang mga nawawalan.


Aside from the sabungeros, what’s truly lost here is our faith in the Philippines. Justice is always hard to find. Sa mundo nating parang isang malaking sabungan… Mahanap pa kaya natin yun?


𝗟𝗢𝗦𝗧 𝗦𝗔𝗕𝗨𝗡𝗚𝗘𝗥𝗢𝗦

Rating: 4/5


Presented by: GMA Pictures, GMA News and Public Affairs

Screening Schedule: November 9, November 10 & November 12, 2024 at Gateway for the QCinema Festival

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  3.5

Emotions:  4

Screenplay:  3.5

Technical:  3

Message:  4.5

AVERAGE SCORE:  3.7

0 comments

Комментарии

Оценка: 0 из 5 звезд.
Еще нет оценок

Добавить рейтинг
bottom of page