top of page

LOVE CHILD

Love Child (Cinemalaya 2024)

Directed by: Jonathan Jurilla


When a film has so much love to give,

it’s impossible not to love it back.


Mahirap magpalaki ng anak dito sa Pilipinas, at lalong mas mahirap kapag may kondisyon ang bata. Hindi magiging madali ang buhay pagkatapos mong panuorin ang pelikulang ito. Pero napakalaking bagay na malaman mo na hindi ka nag-iisa. Higit pa sa impormasyon, nakapagbigay sila ng pang-unawa.


Hindi sila naging maramot. Ibinahagi nila kung ano ang kanilang nalalaman. Buong buo nilang inalay ang kanilang mga puso. Andaming eksena kung saan mararamdaman mo ang pagmamahal. Sa kahit anong paraan na pwede nila itong ipakita, hindi nila ito ipagkakait sa’yo.


Ang panunuod sa pelikulang ito ay katulad ng pag-aalaga sa isang bata. Hindi mo alam kung kailan ito susumpungin. Biglang tataas at bababa ang mga emosyon. Naghahalong mainstream romcom at indie drama ang atake sa mga eksena. Minsa’y matutuwa ka at minsan nama’y hindi. Ngunit ang lahat ng ito ay unti-unti mong tatanggapin. Ang mga kapintasan ay matututunan mong mahalin.


Cliché as it can be, love conquers everything. We don’t mind clichés if it’s all for the beautiful reasons. When confronted with challenges and options, it’s always tempting to choose the easier route—but giving up is not in their vocabulary.


Different perspectives of parents are presented, and their choices are beyond inspiring. Hope and optimism didn’t falter. Empathy never fades. The heart of this film is always in the right place.


RK Bagatsing and Jane Oineza gave the best performances of their lives—and it’s all worth it. Being a real-life couple worked to their advantage. Parent or not, you’d be able to empathize with their situation. Their portrayal does not only merit major acting awards but also deserve a recognition for being the best superheroes.


Both of them had several impactful moments. When Jane Oineza (as Ayla) said “ayaw ko ng dildo”, it may sound unserious but that line evokes deep pain and essential laughter at that moment.


When RK Bagatsing (as Pao) shared how he feels being a parent of an autistic child, the film reached its pinnacle. May that message he unreluctantly said be a source of strength and inspiration to many.


𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥 is a love letter to all parents from all walks of life. It deserves a space in your mailbox and a place in your heart. Embrace it and don’t let go.


𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗

Rating: 5/5


Cast: Jane Oineza, RK Bagatsing, John Tyrron Ramos Screenplay by: Arden Rod Condez, Arianna Martinez (with Angel Benjamin)

Presented by: Regal Films, Southern Lanterns Studios, Cinemalaya

Release Date: August 3-11, 2024 at the Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, U.P. Town Center, and Market! Market! for the 20th Year of Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Napanuod mo na ba ang LOVE CHILD?

  • Napanuod ko na. Ang ganda!!!

  • Napanuod ko na. Saks lang.

  • Papanuorin ko pa lang.

  • Sana ma-release nationwide!


コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
bottom of page