top of page

MA'AM CHIEF: SHAKEDOWN IN SEOUL

Ma’am Chief: Shakedown in Seoul (2023)

Directed by: Kring Kim


Disguised as a tour guide, a policewoman went on a secret mission to Korea to catch a fugitive.


Tourist spots daw pero kung anu-anong lugar na hindi sikat ang pinupuntahan, tapos hindi nagtataka ang mga turista. Sayang ang shooting location na Korea dahil hindi naman nasulit. Sayang din ang mga Korean artists dahil hindi sila nabigyan ng magandang exposure.


Ginamit ang term na 𝘚𝘢𝘴𝘢𝘦𝘯𝘨 pero hindi nila nagawang ibahagi sa mga tao kung ano ang tamang pakikitungo sa mga celebrities. Walang security sa clinic at sa embassy. Niloloko na lang nila ang mga manunuod at hindi ito nakakatawa.


Magaling sa drama si Jennica Garcia. Pang-musical theater ang actingan ni Karylle. Hindi gaanong nasulit ang funny personality ni Alora Sasam. Walang kagana-gana ang pagdidirek sa buong pelikula.


Sariling sikap lang si Melai Cantiveros sa pagpapatawa.

Hindi siya inaalalayan.


Ang lungkot ng screenplay.

Ang tamlay ng editing.

Ang tahimik ng scoring.

Ang lamya ng action scenes.


Sa misyon ng pelikulang ito na magpatawa,

hindi sila nakapasa.

Mission failed.

MA'AM CHIEF

Rating: 0/5


Cast: Melai Cantiveros, Jennica Garcia, Karylle, Al Tantay, Jarred Jaictan, Alora Sasam, Bernadette Allyson-Estrada, Enzo Almario, Sela Guia, Manel Sevisal, Dustine Mayores, Moon Kyung, Do Ji Han, Pepe Herrera

Presented by: Pulp Studios

Date Released: November 15, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page