top of page

MAGIKLAND

Magikland (MMFF 2020)

Directed by: Christian Acuña


Four kids are transported into an online gaming world called “Magikland” to save it from reign of darkness. In order to defeat the evil, there are weapons they have to retrieve and missions they have to accomplish.


The adventure theme, together with its decent special effects, is what keeps this movie compelling to watch. The kid in you wants to witness how they will visualize and embody the magical world. You’ll anticipate how the powers will be used.


But the events turn out to be underwhelming.


Hindi maayos ang pagkaka-kwento. Pabugso-bugso ang kaganapan. Bigla na lang may gulong nangyayari na hindi mo alam kung pano nagsimula. Bigla na lang may susulpot na kalaban na hindi mo alam san nanggaling.


Mabilis na umuusad ang istorya. Hindi mo tuluyang malasap ang kanilang paglalakbay. Kulang sa pagbuo ng tensyon at sitwasyon.


Naroroon ang kanilang hangarin na makapagbigay ng leksyon at impormasyon ukol sa mga bata. Pero dinaan sa mabilisang pag-narrate ang lahat ng mahahalagang detalye na dapat mo sanang matunghayan.


Ang mga bidang bata ay hindi nabigyan ng sapat na introduction at exposure, para tuluyan kang mahumaling sa mga katangian at kapangyarihan nila. Ang mga pamilya nila ay hindi rin lubusang nagamit, para mahubog ang kanilang karakter. Andaming sikat na artista ang nagsilabasan, ngunit walang tumatak ni-isa.


Masyadong siksik sa iba’t ibang elemento ang palabas. At hindi naipalamas ang bawat isa nang mabuti. Mapapa-isip ka na maaaring mas maging maganda sya kapag ginawa nila itong serye. Para mas mahimay nila ang mga pangyayari at detalye. Sa ngayon, magandang tingnan ang pelikula sa kaanyuan at itsura nito.


The movie has shown potential with its magical theme and visual effects, but the storytelling lacked the details and imagination to depict a world outside the ordinary.


MAGIKLAND


Cast: Miggs Cuarderno, Elijah Alejo, Princess Rabara, Josh Eugenio, Jamir Zabarte

Special Appearances from: Jun Urbano, Bibeth Orteza, Jackielou Blanco, Wilma Doesnt, Mylene Dizon, Cherie Gil, Agot Isidro, Katrina Halili, Jaclyn Jose, Kurt Soberano, Luis Alandy, Paolo Contis, Gabbi Eigenmann, Ryan Eigenmann, Rowell Santiago

Presented by: Brightlight Productions, Gallaga Reyes Films

Date Released: December 25, 2020 via upstream.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page