MALAGKIT
- goldwinreviews
- Apr 3
- 1 min read
Malagkit (VMX 2025)
Directed by: Bobby Bonifacio Jr.

Isang engaged couple na mayaman ang trip maging mahirap for a week. Gusto kasi nilang i-practice ang katagang “for richer and for poorer” kung kaya’t nag-immersion sila sa bahay ng dati nilang katulong at driver.
Trip trip lang ang kwento. Gusto lang nilang ma-achieve ang foursome at partner-swapping. Bahala na kung may maganap na kasalan at kasalanan. Basta kailangan magkaroon ng mga sex scenes.
Ang weird ng mga nangyayari. Nasa borderline siya ng nonsense drama at fun camp. Hindi natotodo ang katatawanan. Hindi nasasagad ang dramahan. Half-baked ang pagkakaluto sa mga eksena.
Walang magandang usapan tungkol sa kanilang sitwasyon. Nag-iiba bigla ang ihip ng hangin sa color grading. Makulit ang scoring. Alanganin ang akting ni Ashley Lopez. Maayos umarte sina VJ Vera at Ace Toledo. May potensyal si Lea Bernabe sa camp comedy dahil nakakatawa siya nang hindi sinasadya.
Dalawa lang ang mood ng mga karakter. Kung hindi sila sabaw, malibog sila. Kahit anong lagkit ng kanilang katawan, hindi pa rin ito nadikitan ng magandang istorya.
𝗠𝗔𝗟𝗔𝗚𝗞𝗜𝗧
Rating: 0/5
Cast: Lea Bernabe, Ashley Lopez, VJ Vera, Ace Toledo
Screenplay by: John Raphael Gonzaga
Presented by: White Space Digital Studios
Release Date: March 11, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments