top of page

MANANAMBAL

Mananambal (2025)

Written & Directed by: Adolf Alix Jr.


Kapag tiningnan mo ang movie poster, akala mo bida si Nora Aunor. Pero kapag pinanuod mo na ang mismong pelikula, pang-special appearance lang pala ang kanyang nagawa.


Ang konti ng kanyang mga linya. Saglit lang siya ipinapakita. Walang dating ang kanyang mga eksena.


Si Bianca Umali ang tunay na bida rito. Mahilig siyang mag-emote sa may waterfalls. Ramdam mong ginagalingan niya.


Maayos ding umarte ang ibang cast. May kanya-kanya silang moment. Yung mga sulyap ni Martin Escudero. Ang kaangasan ni Edgar Allan Guzman.

Ang pagiging playboy ni Jeric Gonzalez. Ang pagsuka ng dugo ni Kelvin Miranda.


Give na give sila sa aktingan, pero walang naibigay ang pelikula kundi katamlayan.


Kahit anong galing ng artista ay wala itong halaga dahil ampanget ng mismong pelikula. Sayang lang ang effort nila.

Ang chaka ng pagkakagawa. Masyadong babad sa isang eksena kahit walang nangyayari. Pinapahaba lang nila ang lahat. Gamit na gamit yung musical scoring dahil walang eksenang nakakatakot.


Walang sustansya ang mga linya. Walang kwenta ang mga karakter. Kapos sa mag-ina moments. Merong mga vloggers pero walang content creation na nagaganap. Merong mananambal pero ang ikli ng mga panggagamot sessions.


Napaka-obvious ng plottwists. Ang anticlimactic ng pagreveal. Nakaantok ang mga death scenes. Hindi pinag-isipan kung paano sila mamamatay. Sobrang mema ng naging ending.


Nakakabagot panuorin from start to finish. Walang palya. Ang pinaka-magandang parte ng pelikula ay yung natapos ito. Sa wakas, natapos na rin ang paghihirap sa panunuod.


Instead of healing,

this 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘣𝘢𝘭 only brought suffering.


𝗠𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟

Rating: -1/5


p.s. Catchy yung OST nilang “Dilim” na pinatugtog sa credits


“Dilim”

performed by Elizz Leyba & Salbakuta

composed by Ron Pangyarihan & Ricky Alnin

Cast: Nora Aunor, Bianca Umali, Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzalez, Martin Escudero, Kristoffer Martin, Rolando Inocencio, Tabs Sumulong

Presented by: BC Entertainment

Release Date: February 19, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


4 comments

4 ความคิดเห็น

ได้รับ 0 เต็ม 5 ดาว
ยังไม่มีการให้คะแนน

ให้คะแนน
Guest
4 hours ago

Si Goodwin ang iri rate KO, tanga Ka DahiL ang sukatan Pala sayo Ng galing ay ang haba Ng appearance onscreen. Halatang vilmanians ka

ถูกใจ

Guest
16 hours ago

Notice the difference in ratings—Uninvited, starring the legendary Ms. Vilma Santos, earned a solid 4/5, while Mananambal, where Nora had only a special appearance, received a -1/5. Now, tell me, which film truly embodies ART?

😊

มีการแก้ไข
ถูกใจ

Guest
a day ago

You nailed it Goldwin

ถูกใจ

Guest
a day ago
ได้รับ 5 เต็ม 5 ดาว

It is a beautifully made movie with an epic concept, a new dimension in Phippibe cinema. Artistically well portrayed. Kudos and bravo to all the actors and actresses who have contributed a lot in order to achieve a milestone in movie making. Congratulations !!!!!

ถูกใจ
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page