Maria (Cinemalaya 2023) Directed by: Sheryl Rose Andes
This is a documentary about 3 Filipinos named Maria and how they face the war on drugs.
Masyadong pinilit ang mga pangalang Maria kahit hindi naman yun ang tawag sa kanila. Ngunit alang-alang sa pamagat… tawagin na lang natin silang Maria lahat.
Hindi napag-sama-sama nang maayos ang tatlong Maria. Pinag-patong-patong lang ang mga footages mula sa maraming taon. Walang nabubuong kwento. Walang agos na pinupuntahan. May mga pangyayaring idinaan na lang sa mga summary texts imbes na ito’y kanilang i-kwento.
Ang mga napiling eksena ay puro emosyon ngunit kulang sa detalye. Hindi naitatanong ang mga dapat pang tanungin. Hindi naging malalim ang kanilang paghuhukay. Lahat ng mapapanuod mo ay alam mo na. Wala nang bago. Paulit-ulit na lang ang sinasabi.
Ang maganda sa dokyumentaryong ito ay ang mismong presensya nito. Hangga’t may lumalaban, hustisya’y maaring makamtan. Hangga’t may mulat na 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, mayroong pag-asa.
𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢’s presence is needed to serve as a reminder.
Huwag makakalimot sa ating ipinaglalaban.
MARIA
⭐️ Presented by: Cinemalaya 2023 Date Released: August 5, 2023 at the PICC A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments